Share ko lang...

Bumili ako ng Baru-Baruan ni Baby isang set na yan. Gusto ko kasi panglingguhan kaya tig 6pcs. yan. 1890 lang yan sa shopee. Kompleto na. Tapos sinabihan ako ng nanay ko na nag aaksaya daw ako ng pera hindi naman daw yan magagamit lahat. Ang gusto nya kasi mangyari manghiram na lang ako. Tapos nung nakahiram sya kulang kulang. Ngayon parang nawalan na ako ng gana mag add to cart at umorder uli. Hirap din pala ng nasa poder ng magulang mo kasi parati syang may sinasabi at gusto sya lagi nag dedecide para sayo. Baka nga pagkapanganak ko e buhay ng anak ko naman ang kontrolin nya. Tapos hindi ko na mapangaralan anak ko. Hindi naman kami makaalis dito kasi kahit papano yung asawa ko nagkakaroon ng hanap buhay dito both parents ko may business doon naman sa kabila sa poder ng asawa ko hirap din sila kasi walang business parents nya mga kapatid lang ng asawa ko nagwowork sa epza/bacao pero tahimik buhay ko kasi dalawa bahay doon. Sa isang bahay kami nakatira nung wala pang pandemic. Hindi kasi mabunganga yung nanay nya di tulad ng nanay ko. Kaso nung nalockdown di na sya makabyahe ng ayos sa tricycle kulang na kulang yung kita nya kaya lumipat kami dito. Hays diko na alam nasstress ako pag tuwing may sinasabi sila sakin. Yung bang gusto iblock yung mga gusto kong gawin na ikakasaya ko.

Share ko lang...
100 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mabilis kase lumaki ang baby kya dpat konti lng yung barubaruan blin muna terno sando my kasya nmn na pang newborn gnun kse gnwa ko konti lng babydress mas mdmi ako bnli terno sando at one size

Thành viên VIP

mabilis po kasi lumaki ang baby. first baby ko kambal, 2 pa sila pero hindi kmi bumili mdami kasi nga based dn sa experience ng mga kaibigan, mbilis hindi na kakasya. sayang lang daw.

ako naabutan ng pandemic,wala din pera. kaya lahat ng ginamit ni baby pahiram lahat, 1 month nya lang nagamit. sando na agad, tapos 3 pajama nga lang un, nakaliitan nya n din.

ganian din binili ko taga cavite ka po?? buti nalang wala nagbubunganga sa akin bigay lang ng bigay c mistet ng pera sa akin hehe ayun pinang lazada ko ng gamit ni baby

4y trước

Ganon rin po asawa ko bigay lang din po ng bigay lagi sya nakasuporta sakin. Mother ko lang po talaga ayaw ako suportahan sa ganyang bagay. Alam ko naman po kung kailan ako titigil. Kasi ako nakakaalam ng mga babayaran sa panganganak ko. Kahit libre po sa lying in na panganganakan ko nagiipon rin po kami just in case na may bayaran pang ibang bagay.

you can sell naman after magamit. not at original price pero may balik na money sayo and you can help other mommies pa buy at a lower price. 😉

kami binili namin ung 3pcs set. pero dahil may kamag anak ako na mahihiraman, madadagdagan pa. Menos gastos. Swerte nalang ako at ibibigay lang sakin.

samin naman po baliktad, mas excited pa ang mga lola's😅 sa byenan ko galing mga gamit ni baby.. mama ko naman ang nagaayos at naglalaba😊

Post reply image

Ganyan din nanay ko mamsh, manghiram nlng dw ako kasi nga mabilis nmn lumaki ang baby. Nagmamalasakit lng nanay mo at para na rin makatipid ka.

Hehe ung byanan ko naman po nag order ng damit ng baby namin firts apo❤️😍 completo na po sia 1.370 lang po tig 6pcs na po lahat

Post reply image
Thành viên VIP

Sabihin mo sa Mama mo sis na wag niya naman ipagkait yung kaligayahan mamili ng gamit for your baby lalo na pag first baby mo yan.