100 Các câu trả lời
Saglit lang kasi gagamitin ang barubaruan .. ako din hiram lang sa mga kapatid at pinsan ko mainit din kasi tela ng barubaruan .. kya baby ko wala pang 1month sando sa umaga tz tshirt sa gabi .. kasi nung nkabarubaruan sya pawisin yung likod kya nag kaubo kya simula noon cotton tshirt nlng sya sa gabi pero nkapants padin ska mittens .
Okay lang yan mommy hayaan mo si mother haha ako naman po hiningi ko lang yung barubaruan ng baby ng pinsan at bayaw ko kasi saglit lang daw magagamit, ang kaso walang pajama kaya yung ibang kailangan binili na lang namin ng asawa ko 😁 worth 10k umpleto na hanggang pang 1year old na terno short and sando 😂 sa sobrang excited HAHAHA
Hnd naman siguro ganun ung ibugsabihin ng magulang mo,kc ang barubaruan sobrang saglit lang yan magagamit ng baby natin,gusto lang siguro nya magpaka praktikal ka,mas kailangan natin maging praktikal n kc mami na tau mas maraminf gastusin at pangangailangan ang anao natin,napaka swerte mo nga may magulang ka nag gagabay sau,😊
alam mo, kung first baby naman yan sis why not? diba? and besides di naman ata siya ang gumagastos o nagbayad niyan. ngayon yang mga nabili mo itago mo para if ever na masundan si baby edi wala ka ng problema.. di nalang magpasalamat yang nanay mo, medyo nakakainis sa part na parang walang ka support support sayo nanay mo.
may point din naman po si mama niyo sis kasi bukod sa mahal yan tapos mahigit 1 month lang magagamit ni baby pero syempre tayong mga nanay di tayo papayag ng di maayos gamit ni baby natin at puro bigay lang. Intindihin mo nalang po si mother mo mamsh wag mo nalang masyado pnsinin mga pagbubunganga niya hehe.
ok yan na mdme ka bnli na gamit ni baby, mggamit nya yan lhat, mhirap kasi maglaba lagi kaya magndang mdaming gamit haha, sabi ng iba sapat na yung 3pcs ng bawat gamit, aysows masmaganda nga tig 7pcs haha kasi pano kung nataihan o naihan bigla, saka pano kung tntamad ka bigla maglaba o yung tagalaba mo
Ako po tig 3 pcs lang na barubaruan binili ko kasi mabilis kaliitin sabi 1 month lang magagamit. Sa onesies, frogsuit, pajama set at mga pang bahay na may design ako nag iinvest. 26 weeks preggy palang ako pero mga pang 6 to 12 months binili kong damit niya. 😅 Ayaw ko kasi ng puro white lang 😂
Hindi pa kasi ako nakakapag ultrasound para sa 2nd trimester. Kaya hindi ko pa alam kung ano gender nya. Ayan puro white nabili ko pero ayos lang magagamit naman yan para sa susunod na baby kung saka-sakali.
totoo naman po kaseng kaliliitan ng baby mo ang barubaruan haha. Dapat talaga nanghiram ka na alng yung kulang yun dapat binili mo haha. Dapat pinangbili mo na lang na mas importanteng gamit haha. Ayaw mo lang pinagsasabihan🤣😂 Alam mo kung wise kang nanay at asawa hindi ka mag rereklamo haha.
Pero hindi po dyan nasusukat yung pagiging wise mom at wife ko iba iba pakikitungo ko sa tao. Kahit ganon na pinagsasabihan ako never ako lumaban, nagmura, nagsabi ng masasamang salita at nanakit sa kanya physically. Nirerespeto ko pa rin sya. Yun nga ang problema sakin diko masabi na ang sama ng loob ko sa kanya hanggang keep na lang sa puso ko. Kasi mahal ko pa rin nanay ko. Nalipas naman po yung sama ng loob ko babalik lang yan kapag pinagsabihan nya ulit ako.
1st time mom din ako, pero since kapapanganak lang din ng ate ko last year sa unang pamangkin namin. Yun nalang din ang gagamitin ko kase nga sabe ng mama ko saglit lang magagamit kaya wag na bumili, which is ilaan namin sa iba pang pangangailangan. Best teacher sya para saken. 😊😊
Sakto lng nman iyong nabili mo momi,atleast pang buong week na Yan,itago mo nlng for your next baby or Kong may nangailangan. Being a mom syempre gusto mo Ng best at comfortable si baby. Wag mo nlng msyado entertain ung negative KC di un mkakabuti sa inyo ni baby. Unawain mo nlng mother mo.
Yun nga rin po balak ko ipagamit na lang sa susunod na baby. At pwede rin naman po ibenta na lang kung wala na uling plano magkababy tapos yung pinagbentahan pambili uli ng mga gamit nya.
Anonymous