Bukod sa tinola, ano pang luto ang masarap sa native na manok?
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-28379)
Adobo sa suka at sa gata ang mga masasarap na choices para sa luto ng native na manok. Wag mo na subukang i-fried chicken, hindi masarap hahaha.
Pina upong manok. At sinale sa kapampangan. Pakuluin molang ng may tanglad or lemon grass. Yun ang masarap sa native na manok.
Nag try ako mag turbo ng manok. Matagal bago maluto tapos ang payat nung manok after lutuin mukang hindi masayang kainin.
kahit anong luto naman po sa 45 days na manok ay pwede din sa native chicken, mas matagal nga lang sya palambutin.
Sinabawang manok na may ampalaya at kamote, mas masarap sa tinola kasi manamis namis..
Pwede rin adobo, or chicken mami with cabbage and carrots :)
Sinabawan lang tas tanglad at luya na may malunggay 🤗
Sinampalukan, ang sarap gusto ko tuloy ulam yan mamaya
sinampalukan tawag samin di ko lang alam sa iba