First Time Mom

Btw, 8 months preggy ako at pansamantalang nakikitira sa bahay ng byenan ko. Obligado bang pati yung byenan kong lalaki pagsilbihan ko at ipaglaba ko samantalang sa damit palang naming mag-asawa nahihirapan na ako. Bukod kasi sa walang washing machine, sa poso pa nanggagaling yung tubig na ginagamit ko. Hindi ko rin naman makatulong yung asawa ko sa pag-iigib dahil abala sya sa ginagawang bahay namin. Actually may kinakasama naman yung byenan kong lalaki pero ang gusto nung babae pagsilbihan ko at ipaglaba ko pa yung lalaki pag wala sya

100 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Putcha na Pete yan. Aba wag na wag ka papayag. Alam mong may di nadala ka. Minsan hindi natin need maging MABAIT AT MASUNURIN ALL THE Time kasi di natin napapansin na inaabuso na tayo or di kaya tinatanga. Dilat mo mata mo sis. Mag isip ka, at bakit hinahayaan ka naman ng mister mo???

Ako nga ayaw ng mga byenan ko na ako maglaba ng damit naming mag asawa.. Baka lamigin daw ako..Kakatuwa nga eh.. Hinahayaan nila ung asawa ko ang maglabada.. Pero sinasamahan ko pa xa kahit minsan sinusuway na nila ako.. 🙂🙂🙂 4 months pregnant na ako..

Naku grabe naman yab mamsh, ako nga yung byenan ko na minsan ang naglalaba para samin ng asawa ko kasi ayaw nilang mahirapan ako kahit meron naman kaming washing machine tapos yung asawa ko hindi ako pinaglalaba kung wala sya kasi tumutulong sya sakin..

NO. Sana maramdaman po ng asawa mo na nahihirapan ka at makaka apekto po yan kay baby and responsibilidad po siguro niya na kausapin ang byenan mo. 🙁 Kailangan makisama pero sana not to the point na maapektuhan na ang pregnancy po. God bless po 😗

Naku ako po napapagalitan pa pag naglalaba ako.....hindi ako pinaglalaba...Ayaw nila din ung naglilinis linis ako...at mag mop ng sahig...😅😅😅...pero pag wla sila...gumagawa ako sa bahay....nagliligpit ng plato..wawalis walis...tiklop damit ganun...

5y trước

Sinabi mo pa😰. Pinakikisamahan sila ng maayos eh, may nasasabi pa silang hindi maganda

Thành viên VIP

Kunwari ayos laba mo kusutin mo lang kunwari or lagyan ng sabon hahaha. Para mapilitan silang magkusang Maglaba. Ok sana kung May ka tulong kang maglaba kaso wala ee. Uwi kana girl sa inyo. Pano pag nanganak ka baka ikaw pa din maglaba pag anak mo.

unahin mo muna sarili mo pra sa ikakabuti ni baby.. sguro maiintindihan yan ng hubby mo.. It's either umuwi ka or pag usapan nyo yan ng hubby mo ano dpat gawin pra maipaintindi nya sa mama nya na wag ka dapat magtrabaho ng mabibigat.

Thành viên VIP

Mas magandang pag usapan nyong mag-asawa yan para alam nya ang mga ganap habang pansamantala kayong nakatira jan sa biyenan mo. 8 months ka na. Hindi mo obligasyon pagsilbihan ang biyenan mo lalo na't may kinakasama pala siyang bago.

5y trước

Alam nya naman eh, kaso ayaw lang talaga namin ng gulo kaya nananahimik kami. Since malapit ng mayari yung bahay naming mag-asawa

Gumising ka sa katotohanan momsh,. Mas malaki pa at mas malakas yang byenan mong lalaki kesa sayo na buntis ka,hindi mo obligasyon ang ipaglaba sya, ano sya? Hari? Sinabugan yata ng katamaran yang asawa ng byenan mong babae..

5y trước

Hindi lang katamaran, saksakan pa ng yabang. Pero kahit ganun nirerespeto ko nalang kahit pa pikon na pikon na ako. Umaabot pa sa punto na umiiyak nalang ako sa gabi pag hindi ako nakakapagtimpi sa ugali nila

Halah dapat nga sa buwan na yan nag rerest ka at ang work out mo lang is ung para sa panganganak wag ka na gumawa ng mabigat na trabaho... pag ako yan dun muna ako sa magulang ko, layasan ko yang byenan na yan...