Asked lang po 36 weeks and 2 days na po ako may chance pa ba na iikot ang baby ko kasi suhi siya :(
Breech#pleasehelp
naku sis ako sinxe 19weeks to 32weeks breech si baby at sinabi ni OB saken if hnd to iikot pagka 9months Sched CS na kami. Kaya nga nagipon kami ni hubby ng pampaCS. Tpos nung nagpa 4D ako 33weeks Cephalic na sya. Dasal lang namin na sana wag na bumalik sa breech kasi matubig ako sis eh. Pero if mag CS man kami tanggap ko na basta for our safety. Buti na lang asawa ko tlaga supportive at hnd ako prenipressure na mag normal. mahirap kasi umikot ang baby if 9months na sis dhil masikip na space nila. kaya ako magpapa ultrasound pa ulit to make sure ung position nya. EDD namin DEC13.
Đọc thêmyung sa baby ko 36weeks breech siya Pero decided na kami both ni hubby na magpapa CS ako ng 37weeks.. Pero habang hinihiwa ako sa operating room nung siniCS na ko nagulat si OB ko na naka Cephalic na si baby ko😅 so may chance talaga na umikot mommy.. ang alam ko kasi pumupwesto talaga ang mga babies Pag malapit na sila lumabas Pero maliit lang talaga ang chance.. kaya Pag isipan mo na din mommy na talaga ma CS ka mas mahirap Pag maglalabor ka na tapos suhi pa rin delikado po ma emergency CS ka din nun
Đọc thêm33 weeks last check up ni oby Nung 32 weeks naka breech pa den baby ko, since nag pa gender ako Nung 24weeks breech na sya, Nung una medyo nag panic utak ko pano sya paiikutin,nag try ako mag sounds and flashlight every night. back to 32 weeks sabe Ng ob ko Ganon daw talaga mga baby Kung saan sila komportable don sila ppwesto, so naisip ko kalma nalang at mag handa for CS ❤️ mahirap ipilit Ang normal. pero Kung iikot sya thank God🙏😌
Đọc thêmYes mi. Basta damihan mo yung water intake niyo. 2L per day. nung 38 weeks pregnant ako, breach si baby. I was scheduled for a C-section delivery. Nung nasa hospital na ako and ready na for admission, sa x-ray result, cephalic na si baby. Pinauwi ako ng doctor. Hintayin na lang daw na mag labor ako. Tiwala lang mi at kausapin si baby na umikot. at damihan ang water talaga mi hehe
Đọc thêmHello po base po sa doc. advise po mag lagay po kayo ng music sa bandang baba tyan malapit sa ari natin kasi nadedetech na po ni baby ang sound kaya may chance po na umikot sya kapag naririnig nya po yung music 😊try nyo po baka may chance .
may nabasa po ako, try nyo daw itutok ang music sa bandang baba ng puson/tyan? then hopefully ang baby is sundan nya ang music to listen to it ♥️
Little chance nalang mi. Pag nag 37wks ka and ganyan pa din pa sched ka na ng cs. Mahirap abutan ka ng labor ng ganyan.
ako kasi lagi ko lang kinakausap baby ko tas panay tubig ako . nagpahilot rin ako .. pwede mo gawin yun
May nabasa ako na makakatulong ang paglalakad para umikot si baby
Yes po but super liit lang po ng chance!
MomofTwo