Eto ang problem ko noon, ang hirap iburp ng anak ko. Mixed feed ako sa panganay ko. Mas prone sa kabag kapag bottle fed kya need talaga sila iburp pero may mga babies na mahirap or matagal iburp kaya ang adivse sakin ng pedia, kung right after magdede sa bote at nakatulog na at ayaw mag burp, ihele ng naka upright position ng mga 20-30mins para lang bumaba ang gatas at ihiga si baby ng medyo nakasideview lalo na ang ulo para kung sakaling mag lungad, hindi pupunta sa baga ang gatas. While dito sa bunso ko, exclusively breastfeeding kami ngayon, matagal din mag burp minsan wala nga lalo na kapag nakakatulog na sya sa dede kahit naka upo or side lying position kami. So, same lang ginagawa ko, naka sideview sya pati ulo just incase mag lungad, mailalabas nya lahat. Huwag kang matakot mi, nangyayari yan kapag naglungad si baby or magpadede ka ng naka lay flat sila ot hindi inclined ang ulo nila tapos open ang airways nya kaya may napupuntang milk sa baga nya. Kaya kung hindi sya maka burp, hele mo ng upright position then sideview matulog lalo na ang ulo. Ganito kami matulog everyday, di sya nagburp, kaya pag gising nya ang burp nya. Eventually, they will learn it on their own. 4mos na yung baby ko at ang galing nya na mag burp. Minsan kapag inupo mo na sya mag burp sya agad. Makakapag adjust din ang katawan nya.
ganito din nangyari sa akin ng first baby ko, ang hirap e burp umabot pa kami ng isat kalahating oras, ang payat2x ko tuloy noon 48 kls. ako ng dahil sa panay karga ko sa kanya pag e burp na.
.
.
.