MAHIRAP PERO PALABAN
Breastfeeding mom ako, bukas pa sahod ng asawa ko at kahapon isang beses lang kami nakakain ng kanin, 40php na lang nasa wallet nya at pumasok pa sya sa trabaho. Grabe, naiiyak ako sa sitwasyon namin, yung nilalapitan namin gipit din. Pero kakayanin namin to, magtatalo, malulungkot, iiyak pero di susuko.
Ok lng yan.. nranasan ko yan dati 10 yrs ago.. tiis lng..nranasan nga ng isang anak ko kape n light lng pinadede ko pra malgyan lng tyan nya..may times tlga n pg gipit ka lalo kang walang malalapitan..pero need mo tlga yan pagdaanan..pag nlagpasan mo yan maiiyak ka pg naalala mo yan pg naging successful ka n someday.. trust me.. gawin mo always pray.. at kht walang wala ka na try mong mgbgay ng limos kht mgkno.. babalik yan sayo at the right time..🙂 always do good things..iiyak mo lng..
Đọc thêmYes sis.. Laban lng. Ganyan din kmi before 200 pesos sa isang linggo tpos dun pa kukuha pamasahe si papa, Kaya Asin at kanin lng tpos pag nagugutom kmi mangungutang lng ako sa tindahan and kada sweldo ni papa sa utang lng mapupunta.. buti natuto mag negosyo si mama paunti unti nakabawi. May awa Ang Diyos..
Đọc thêmSame tayo laban lang ako nagtatrabaho para samin ng anak ko kasi wala yung husbond ko nasa rehab kasi gusto ko maging ok mo na siya bago niya makita mga ank niya gusto rin naman niya magbago.. kaya laban lang kahit mag isa ko pinalalaki mga ank ko.. kahit buntis na ko nagtatrabaho parin
Halos karamihan tlaga dumadaan s pagsubom ng buhay. Ganyan dn kami di bale ng magtipid kaming mag asawa pero ung pra kay baby laban. May mga times na gipit kami pero pg dumating nmn ang blessings nag uumapaw naman. Kaya todo higpit ng sinturon pra may mahugot s panahon ng pagsubok.
Laban lang nangyari narin samin yan hays. Muntik na nga kaming dumating sa point na isangla mga cellphone namin e pero buti napigilan ko asawa ko kasi kinabukasan sahod nanaman niya e kaya nagtiis kami ng isang araw na 1 beses lang din kumain. Pray lang mamsh
Kaya nga po mommy tiis tiis lang kasi sasahod naman na. Ang mahalaga walang may sakit samen. 🙂
don't give up sis !!! naranasan ko na din yan .. Yung papasok ung asawa ko sakto Lang dala nyang pera pamasahe tapos walang maiiwan sayu .. maging positive ka Lang Ang mahalaga walang sakit Yung baby mo Hindi naman laging wala tayu makakaraos din😊😊
Salamat po. Opo, nagpapasalamat nga ako sa Dios kasi maayos ang kalusugan namin. 🙂
i feel u momsh. nanganak ako last wk at ung budgt nmin ehh kulng pa sa ospitl bill kaya simut na simot kmi, inuuna lg ung needs ng baby, khit ulam nmin sa umaga tinitirhn pa para sa hapunan, tagal pa ksi ng nex na sweldo. . .
Swerte ka parin sis kasi bf mom ka no need formula kaya for sure healthy si baby. Laban lang may kapalit ang pagtitiis at paghihirap 😇🙏
Opo mommy kaya nga thankful ako kasi si baby dumedede ng maayos at wala kaming sakit. Salamat po. 🙂
kaya niyo yan sis! tiwala lang and pagpupursigi. lahat talaga tayo dadaan sa ganyang paghihirap, and hindi ka nag-iisa.
Kaya yan sis laban lang! 💪🏻 Lahat ng yan pagsubok lang po, pray lang lagi at magtiwala po kayo sa panginoon 😊
Mama bear of 1 playful son