ATM (mister o misis) 09-17-20

Guys sino sa inyo ng mister nyo ang may hawak ng atm nyo? Me and my partner are both working, sobrang naooffend nako sa sitwasyon namin. He knows my atm pin dahil yung sss benefit ko sa atm pinasok ng company during this pandemic. Mag-asawa kami pero ako never ko binulatlat yung wallet nya at minsan lang ako kumuha bente pa at nagpaalam muna ako. Sya ganun din naman, nagpapaalam naman sya kapag kukuha ng pera sa wallet ko ang ayaw ko lang minomonitor nya laman ng wallet ko 😔 minsan tatanungin nya pa ako dba kahapon ganito pa laman ng wallet mo bakit ngayon eto nalang? Na never kong tinanong sa kanya. At ngayon araw ng sweldo namin, nasa wallet ko yung atm ko, naisipan ko mag enroll sa online banking and hinanap ko atm ko, I found out na kinuha nya at inilagay sa wallet nya (ang purpose lang siguro is para sabay na withdraw nalang) kaya lang sobrang offended nako, para sakin foul na foul na yun, ako never kong inalam code ng atm nya at never syang nagkusang ibigay. Tapos dahil same company kami pati gross ng sahod ko inaalam nya, hindi man galing sakin/ galing naman sa mga boss namin. At sa sarili ko alam ko na kapag magwiwithdraw sya hindi nya winiwithdraw buong sahod nya, samantalang atm ko laging simot. At ngayon lang, kinuha na naman atm ko para sya magwithdraw without asking me kung gusto kong ipawithdraw sa kanya. Sobrang sama ng loob ko ngayon mga sis. #NoToBashpoSana

42 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

kami ni hubby same company & same rank ng position so alam namin magkano ang sahod namin (which is the same) but never kami ng kukuwenta sa gastuhin. BTW separated parin ung pera namin khit 2+ yrs na kaming kasal.. never xa nag kwenta sa akin, same ako sa kanya.. never knew our atm pins kasi if magpapa withdraw ako sa kanya, i will just transfer the amount to him (online). but my joint account kami (we used it to save money since bf/gf pa kami to fund our wedding) to save major expenses (now) like payment of principal sa loan ng bahay namin. i like this set up because my mga gastusin xa like auto repairs & maintenance & law school (before) which for me is stressful pa kapag ako humahawak ng pero nya.. mas better xa humawak para atleast alam nya if may pera pa xa or wala. but this set up works for us since we don't have a baby yet (preggy p ko) & we'll see if magwowork pa xa if my baby na with all the additional gastusin.. before pandemic pala, ako ung sa groceries, xa sa monthly bills (which i consider mostly equal naman). but na reverse ngayon during pandemic since hindi nako nakakalabas. also this way, may personal money xa if ever gusto nya magbigay sa side nya & same with me. the point is, maybe u two should talk on how to handle ur finances para walang lamangan. laid out all expenses + savings para alam kung sino ang naka assign jan. also online facilities (be sure secured lang talaga) really helps kasi ft2 nalang without giving ur pin to ur hubby and also dito na kami ngbabayad ng bills so hassle free ☺️ pray for right timing if ever i open mo ung topic mamsh.. kasi it helps talaga ang right time and right voice (medyo lambing) para hindi iinit agad ng ulo kapag money talk 😁

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ang atm cards ko po is na kay hubby lahat. Credit cards ko lang ang nasa akin. Si hubby lang ang may income samin. Pero lahat ng pera nya sa accounts nya,tinatransfer nya sa accounts ko. Minsan nagtitira pero in the end,sinesend din nya since wala naman syang ibang pag gagastusan😅. Anyways,nasa kanya ang atm cards since sya ang taga withdraw pag kelangan namin ng cash. Pero controlled ko ang online banking ng mga accounts ko. Hindi nya alam ang mga balance ng accounts ko,naaupdate lang sya pag nagwiwithdraw sya. Then tatanong lang sya kung bakit yun na lang laman. Before may money manager app ako sa yun lang pinapakita ko pero ngayon kasi tamad na akong mag input ng income at expenses. Ako nagbabayad ng bills. Ako din ang nagsasabi kung magkano lang dapat nyang iwithdraw at from which account lang sya dapat magwithdraw. Yung cash naman na winiwithdraw nya,pinababayaan kong sya ang humawak. Groceries lang naman at food deliveries ginagastosan nya. Sya din gumagawa ng grocery list since sya taga luto. Pag may gusto lang ako ipabili,dagdag sa list nya. Wala naman syang reklamo sa set up. Ako din wala since provided naman lahat lahat ni hubby. Pag may gusto syang bilhin tatanong lang sya sakin kung pwede nyang bilhin. Di sya pumapalag pag sinabi kong no or next time😅. Kausapin mo si hubby mamsh. Di dapat pinag aawayan ng mag asawa ang pera hanggat maaari.

Đọc thêm
Thành viên VIP

❤️ to ❤️ talk is the key.Ang asawa ko sis daig pa ang COA kung maka audit yung tipong ultimo piso di makakaligtas but i've learned to live with it and i admire him for that😅 may kanya kanya kaming atm pero alam namin ang pin ng isa't isa. Regarding sa daily expenses gumawa kami ng trial and error sinubukan namin nung una ako ang magmanage and i failed🙄kasi sa listahan ko ng groceries di nasusunod lagi akong may dagdag in short waldas ako😂 kaya sabi ko daddy ikaw naman ang magmanage so sa isang buwan ililista ko ang monthly bills and goods awa ng diyos smooth naman kaya mula noon sya na ang nagbudget binibigyan nya lang ako ng alawans ko.Ang nagustuhan ko lang sa asawa ko kahit ma audit sya kapag naexplain ko naman naiintindihan nya. Pero kapag nashort ang sahod nya nagsasabi naman yan sakin kaya naipapahiram ko ang card ko sa kanya pero syempre set limit din ako ganito lang kunin mo ah which is ginagawa nya naman😂pagbalik ng atm may kasama resibo.Kapag nashort sahod nya ibig sabihin nun nag-abot sya sa kapatid nya o sa mama nya at nahihiya sya magkwento sakin kaso nadudulas mga kamag anak nya kaya nalalaman ko din. Dedma lang ako kapag nag-aabot sya iniisip ko nalang pera naman nya yun.Give and take lang sa mag-asawa mommy pero kung dika komportable sa sitwasyon mo speak up idaan mo sa paglalambing im sure di makakatanggi si mister sayo😘

Đọc thêm

Hi sis . Depende po kase .tulad ko ako babae pero ako mismo nag volunteer at nagsabi sa mister ko na siya humawak ng finances namin kase alam ko na mas marunong siya mag budget kesa ako. . Sa phone niya naka register lahat ng OL banking namin.. Ang pinagkaiba lang eh d niya pinapakialaman yung lahat ng pumapasok na income sa atm ko . Tinitignan niya yung balance pero Hahayaan niya lang dun .unless sabihin ko na kunin niya or itransfer niya. . Ako d ko tinatanong pumapasok na income sa kanya since siya namn nagbabayad ng mga bills namin. Haha.. at ang mister ko once na may gustong bilhin mura o mahal magpapaalam siya sakin at ganun din ako sa kanya. Kung ako sayo mamsh pag usapan niyo. Sabihin mo mga ayaw mo sa ginagawa niya para masabi din niya sayo dahilan niya bkit niya din ginagawa yun ..para po kase sakin masyado po kaseng mababaw na dahilan ang pera para pag asawan nang magasawa☺️

Đọc thêm

Samin mag asaw si mister ko lang nagwowork, sya may hawak ng atm nya di ko sya pinakikialaman sa mga bank account nya kasi sobrang bait ng asawa ko. Kahit di ko hawak atm nya binibigay nya yung responsibilidad nya sakin, kapag magsasahod na sya paghihiwalayin na namin sahod nya unahin namin bills after nun bibigyan na nya ko ng pera mababa na yung 3k na ibibigay nya sakin pinaka malaki is 7k kasi nasa bahay lang ako dahil buntis at walang trabaho. Kahit binibigyan nya ko jg pera di nya ko pinapagastos kapag may kailangan bilhin sya parin bibili galing prin sa bulsa nya di sya humihingi sa binigay nya sakin unless magkulang na pera nya bago sahod dun ko inaabono yung kailangan nya bayaran. Ang sakin lang mommy kahit di maganda yung ginagawa ng mister mo sayo, dapat may rules kayo about sa ganyang bagay 😊

Đọc thêm

I guess mommy dapat iopen up mo sknya saloobin mo. Samin ni husband, both working on a same Office kami. So alam ko mga natatanggap namin. Alam nyang ako ang nagbubudget at nagplaplan ng mga bibilhin. Nasaken ATM ko, nasa kanya yung sknya pero pinagusapan namin yung amt na ireremit nya saken kada cutoff. Syempre may naiiwan pa din naman sknya kahit papano. I just want to make sure na may budget sya sa mga gusto nyang pagkagastusan at pambayad sa utang nya sa credit card (cc kasi ginamit nya pambili ng bday gift nya saken bago kami ikasal). I think dapat talaga pinag-uusapan nyo yang mag-asawa. Tama naman na di dapat pinag-aawayan pero in reality isa yan sa major reasons of misunderstanding sa isang relasyon lalo na kung nagkakaroon ng hesitation or fear both sides na pag-usapan ang pera.

Đọc thêm
Thành viên VIP

I think kulang kayo sa communication. First of all, mag-asawa kayo, dapat open kau sa ganyang bagay. Kung hnd ka comfortable s gngawa nya, sbhin mo sknya directly. Second, bakit k mahihiya magsabe eh mag-asawa na kau. Ksi kng informed sya na hnd mo gsto gngwa nya, cguro nmn khit papaano maiilang na sya ulitin. Pro nsa pag-uusap nyo pa rin yan. Kausapin mo asawa mo pra malaman at maintindihan ka nya. Lastly, the way you describe your hubby, prang may issue k sknya. Pro gaya nga ng sabe "di mo malalaman, kung hndi mo susubukan". Minsan ang mga lalaki, hangga't di mo sinsabe sknila hnd nila alam. May iba na hnd marunong bumasa ng babae, kailangan ssbihan mo pa na gnito nrramdaman mo. Be open to your husband esp money matter kasi hnd maganda na naglilihim sa partner.

Đọc thêm

Usap sis. Si hubby since wala na akong work nag open ng bank account, one for our baby and one para sa akin. Ever cut off nag huhulog sya sa both accounts then may cash na binibigay sa akin. Pag nauubos agad cash ko, tinatanong nya ako lagi kung saan ko ginagastos which i always answered truthfully. Minsan parang nakaka offend pero, pag nakita nya naman na needs yung binibili ko, oks na sya dun. Pinaalam nya din sakin mga pin sa atm. Regarding naman sa sss ko, on process pa sya pero si hubby nagsabi sa akin kung paano budgetin, kung gusto ko lang daw pero may point din naman kaya sunod ako kay hubby. Usap lang talaga, i know mahihirapan ka pero di maaayos kung tatakbo lang sa utak mo yung concern mo.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Sa aming mag asawa, ako ang naghahawak ng pera namin, siguro kasi nung bf/gf palang kami ganun na set up namin.. ngayon same set up prin, bnibigyan q lang sya ng allowance weekly. ATM at Credit Card ko alam nia PIN. (Pero d nia kinukuha sa wallet ko, unless sabihin ko sa knia.) ATM nia nsa kania pero alam ko rin ang PIN pero never q kinuha s knia ung ATM nia, sya lang kusa nagwiwithdraw ng sweldo nia then inaabot nia sa akin. Online banking, ako lang may alam ng PIN 😂 Kaya if may need bayaran online or magsend ng pera sa both sides sa family namin, ako ang taga send nia. Siguro kailangan niong mag usap momsh, tyempuhan mo nalang na good mood sya. Sana maging ok ang pag uusap nio 🙏😘

Đọc thêm
Super Mom

Napaka unfair naman ng mister mo mommy, since both working kayo dapat maging patas sya, if d mo galawin ang atm nya dapat ganon din sya sayo or kaya maging transparent din sya sayo lalo nat mag asawa na kayo conjugal property nyo na dn ang both income nyo. Maidadaan naman siguro yan sa kalmadong usapan momsh sabihin mo na naooffend kna sa ganun situation and explain to him, pwede kasing hndi nya narerealize ang gnagawa nya. Sa amin naman, ang asawa ko lng working, ofw sya. Hawak nya atm nya pero alam ko sahod nya, at kung san nppunta ang pera. May allowance kame ni baby kasama na ang mga gastusin. Ayoko dn hawakan ang atm kasi alam kong magastos ako 😁

Đọc thêm