49 Các câu trả lời
Be independent, kayanin mo po mag isa. May mga parents at friends ka naman po na pwede mag guide sayo. Sa case po namin, nalaman na po namin hiwalay na kami. Sinabi ko sa kanya pero ayaw na po nya. Sabi ko okay. Di ko pa din kako ipagdadamot ang anak niya in case na gusto niya makilala o makita. Si mama po hindi siya pumayag na wala siya gagawin. Kinausap po namin yung lalaki sa baranggay at nag gawa po ng kasulatan na magbibigay sya. Kaso di po sya nagbibigay lagi. Kaya po sabi ko hayaan na, konsensya na lang po niya. Be strong enough po, magpray lang po kayo and always keep safe. Dahil kung ano po mali niyong magawa apektado po si baby. Godbless po
Ganyan din tatay ko🤣 kaya ung nanay ko sakin binunton ang sama ng loob. Saklap lang. tapos after 24 years nagkita kami, sabi kala daw nya dinala ako sa ibang bansa ng nanay ko. Eh 1 bayan lang pagitan ng lugar namin. Excuses pa eh. Kung di siguro nagkasakit di ko pupuntahan. Di pa nga nagsorry eh. Puro pa dahilan. Proud pa na napagaral nya mga anak ng kinakasama nya. Eh akong anak ni piso di natulungan noon. Anyways salamat na din dahil naging matatag ako dahil sa mga pinagdaanan ko.
let him qo! demanda mu paqkapanqanak mu under republic act 9262 or violence aqainst women & child (VAWC) para mkakuha k nq sustento .. for now focus k muna s health nio ni baby waq maqpkastress baka anu p mnqyare sau .. same situation tau im 6wiks preqqy that tym nstress nadepressed aku kaya naqkaron aku nq internal bleedinq at nabedrest aku 1wik medication pampakapit nqaun im on my 33wiks n 😊 kontinq kembot nalanq
Mummy okay lang po iyan.. Be strong, may work po ba kayo? Ang sa case ko naman ay iiwan ko na ang nka buntis sa akin, pero hindi ko sya na inform haha change lang ako lahat2x at number ko.. Di ko nmn kasi alam na may asawa e.. Lagi ko talaga sinasabi mas ok pag tayo mga girls may trabaho para di na tayo mamroblema at para tayong nagmakaawa para sa sustento.. Kaya mo yaan mummy.. Pray lagi..
same scenario, pero hiwalay na sila ng asawa nya kaso hindi sya tanggap ng magulang ko kaya hiniwalayan ko sya, pero willing magsustento kahit pakonti-konting bigay, kaya ito family ko ang gumagastos sa lahat. Basta nanjan si God makakaya naten ito.😊
The show must go on. I mean. Ipagpatuloy mo lang pregnancy mo and everything. It's okay. Mahirap man pero malalagpasan mo din yan sis. Maging positive tayo at matatag. Ganyan ang mga kababaihan. Hindi natin kailangan ng ganyang lalaki sa buhay. And your family is always there for you naman din kaya di ka nag iisa. Have courage and keep praying lang. ❤️
Let him go, ituloy Mo yang pag bubuntis Mo, wag kang pa stress dahil nakakasama Yan Kay baby. Hindi siya kawalan ,trust me makakaya Mo Yan mag Isa kahit wala siya,dadating din ang panahon na magsisi siya Kaya magdasal ka palagi na gabayan ka niya Sa pag bubuntis Mo. God bless sender🙏🙏
Ganan den ginawa sa mama ko ng tatay ko. Iniwan nun malaman na buntis. Tinakasan. Walang kwenta yang ganan na lalaki. Masakit man ngayon pero kelangan mo pakatatag para sa anak mo. Makakaya mo naman yan. Basta sa susunod wag kana basta magmamahal ng walang kwentang lalaki at iresponsable.
Be strong..single mom ako.iniwan ako ng father ng baby on my 3rd month,bumalik sa ex gf nia na hiwalay sa asawa at may anak.pinaubaya sakin ang anak namen and sustento na lang ginagawa.nagpakatatag ako sis para sa anak ko..at nairaos ko sya.prayers sis.it helps.
Let him go..he doesn't deserve you and your baby..leaving you by the time that you most need him shows that he's not the right one to be your child's father..if he left you, you don't need him either..God is with you..Trust Him..
go on with ur life..d ka mamamatay ng wala sya. top priority mo anak mo ngyn. pag bumalik at ngbgo ok lng tanggapin mo. pero kung alam mong 1 lang sya sa mggng pabigat sa buhay nyong mag ina. wag mo na tanggpn.
Anonymous