Hindi tungkol sa baby.. Gusto ko lang magshare..

May boyfriend ako, leave in partner na kami. Sa halos mag 1 year na kaming nagsasama normal naman relasyon namin. Pero hindi tulad sa tipikal na parang mag asawa na ang turingan. Pero nafeel ko naman yon paminsan minsan lalo na nung nabuntis nya ko. Kaso nga lang paumpisa palang nawala na yung baby sa tyan ko. Nalulungkot lang ako kase yung ibang tao tingin na talaga sa amin mag asawa na kami. Kahit sya minsan pakilala naman nya sakin asawa nya na ko. Pero ang malungkot sa aming dalawa parang di ko mafeel yon. Lalo na ngayon magkasama nga kami lagi pero parang wala lang. Minsan ang sungit sakin parang iritable. Ni ayaw nga nya kong makatabi sa pagtulog. Feeling ko hindi na ko okay don. Minsan tinatanong ko sya parang wala lang naririnig. May time pa nga nung nakahiga sya na tumabi ako sa kanya umalis sya na parang iritable. Akala ko mag cr lang nagtaka ko bat ang tagal ayun pala lumipat sya ng pwesto. Nakakatampo lang na ganon sya. Hindi ko alam kung anong meron. Pati yakap at kiss kulang nalang ipagmakaawa ko pa. Hindi ko naman hiling na palagi kaming sweet. Ayoko lang kase dumating yung time na pagpinabayaan ko syang ganto e masanay nalang sya. Ayokong humantong na msyado na syang sanay na sya lang. Yung tipong parang simpleng kasama nalang nya ko sa bahay.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ano po plano niyo? Ikaw Po, ano Po plano mo sa buhay sis? Parang sa sinasabi mo nag aaksaya ka na Lang Ng oras sa taong kinakasama mo. Mabuti at wla pa kayong anak, pano Kung same lng treatment Niya sayo mabuhay man anak niyo? Wla ba siya sama ng luob sayo? Wla ba kayong pinag awayan? Parang nawalan na kasi siya gana at iniintay na lang Niya na iwan mo siya at makipag break ka.

Đọc thêm
4y trước

Nasaktan pa ko lalo kagabi nung nagpansinan na kami tapos nagpost sya sa FB na mahaba at may sinabi na parang wala na, dating masaya nabalot na lungkot at katahimikan na hindi na okay sa pakiramdam. Sabi sa post repost pero nakita ko sya tinatayp nya yon. Kaya feeling ko talaga nawalan na sya ng amor sakin.