PAKIALAMERANG BYENAN NA HILAW (kapatid ng byenan kong babae)

Bilang isang Ina, masaya akong naaabot ng aking 2nd baby yung mga milestone nya every month kaya madalas kong naipopost ito sa FACEBOOK. Aba sabihan ba naman ako na lahat na lamang daw ipinopost ko sa FB. Gustong gusto ko na syang sagutin! Palibhasa kase hindi sya nakaranas na magbuntis at managanak. Lahat na lang may comment sya sa buhay namen. Pati pag go grocery namen marami syang sinasabi. Kesyo hindi daw kame marunong mag budget at ang gusto nya every payday ng husband ko dapat magbigay daw kame sa kanya. Eh ang dami dami nilang ipon sa bangko. Yung byenan ko nga eh hindi kame pinapakialaman. Hinahayaan lang nya kame magdesisyon sa aming buhay para matuto kameng mag asawa.

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mismong byenan ko ang pakielamera 😂 ultimo pag oorder namin online pinapatigil niya. Di kasi kami madalas maghawak ng cash kaya pag dumating yung parcel, nanghihiram kami ng cash sa kanya AT binabalik namin agad pag nakapag withdraw kinahapunan. Dahil lang sa inconvinient na un sa kanya, pinatitigil niya na kami umorder 😂 kaka loka. Pati pagpapalaki ko sa panganay ko may nasasabi. Nakikitira kami sa bahay nya kasi wala syang kasama. Mag isa lang ni hubby na anak kaya walang mag aalaga sa kanya. Gustong gusto ko nang bumukod. Iniisip ko lang si hubby kasi kahit papano nanay nya yon. Kaya sabi ko sa kanya maglagay sya ng divider sa bahay. Dito kami bandang likod para may privacy. Ultimo sexy time namin para kaming teenager na nagtatago. Walang privacy pero di kami makaalis kahit kaya namin dahil wala syang kasama. Ok lang naman sana un wag lang syang pakielamera kaso hindi

Đọc thêm

sabihin mo momshie pag inggit pikit hahahaha! ako literal nababadtrip ako sa ate ng lip ko kasi literal mas gusto nyang gumala kasama ung pangatlo nyang jusawa kesa isama mga anak nya. tapos pg di pa ako pumayag na makitulog mga anak nya dto parang kasalanan ko pa hahahaha. well sad to say maldita ako hahahaha kaya literal kontrabida tingin saken ng mga tao dto😂 okay lang naman tingin nila saken un e kasi di naman ako pinalaki ng magulang ko na maging kunsintidor hahaha. pero ayun nga momshie, may mga tao talagang hindi masaya sa mga gngwa nating maganda sa pamilya hahahaha

Đọc thêm

yan yung ayaw ko sa lahat. yuny pinapakialaman pagiging nanay ko sa anak ko. so ako ginagawa ko kung anong sa palagay kong okay at hindi naman nakakasama para sa anak ko. pakialam ko sa mga pinagsasabi nila 🤣magulang ko nga di nakikialam sa way ng pag aalaga o kung ano mang gawin ko sa anak ko e. sa inlaws lang talaga madaming kuda na in the first place wala naman silang ambag sa pag aalaga sa anak ko. nung buntis nga ako at nadulas wala manlang pag aalala tapos makikialam sakin sa pag aalaga sa anak ko. manigas sila sa pagsasabi ng kung ano ano. my child, my rule.

Đọc thêm

Naku ganyan din yung kapatid na babae nung fil ko. Madakdak pero wag ako hehe kasi mismong inlaws ko talaga wala nga sila say samin at sobrang maalaga tapos sya andami sinasabi.

4y trước

diba?! yung mga inlaws nga naten hinahayaan nila tayong magdesisyon dahil may sarili ng pamilya ang anak nila. pero yung kapatid nuknukan ng pakialamera🙄🙄🙄

Kalma sis, Unfriend or Blocked mo na lang para wala kana pong stress. Iwasan ang mga toxic na tao.

4y trước

na blocked ko na sis. hahahaha. sumosobra na kase ang pagiging pakialamera😅😂