SHARING IS CARING

It's been a year since I knew my pregnancy so why not share my experience sa aking panganganak Sorry, super long story pero sa mga gusto magbasa, go and thank you for taking your time reading in advance 😊❤ July 31,2020@10 or 11am Gusto ko lang sanang magpacheck-up sa isang malapit na hospital dahil nakakaramdam ako ng pananakit sa baba ng tiyan at balakang pero.. na admit ako because of "exposure" sa dati kong pinagpapacheck-upan for last semester of my pregnancy dahil sa hospital na yun dinadala yung mga nagpositive sa covid-19 And at that moment, nakaramdam ako ng "panghuhusga". Nagalit yung doc. Na tumingin sa akin, kesyo bakit daw hindi na lang daw ako duon nagpunta, bakit daw sa kanila pa (eh kasi nga mas malapit) at parang akong kawawa na pinagtitinginan ng masama at pinagbubulungan,I was just exposed, not nor never trace, yung feeling na ihahatid ako sa isolation room ng nakawheel chair yet yung naghatid sa akin,nagkamali na ilagay ako sa labor room dahil ang akala niya manganganak na ako, pagpasok namin sa labor room, parang akong nanlumo sa reaction ng nurse (may inabot yung naghatid sa akin na paper at tiningnan niya) "alla apay adda dtoy dta, irwar mon pangngaasim"(hala, bakit andito yan, ilabas mo na, please lang) that moment unti unti akong nakaramdam ng galit at sinabi ko sa naghatid sa akin "bakit kasi maa isolate pa bakit di nalang diretso swab test para matapos na" and he lighten my heart "ganyan talaga,huwag kang mag-alala makakaraos ka rin". Saka niya ako inihatid sa isang isolation room which made my heart melt again when the nurse said " yes dungngok"(iniabot nung naghatid sa akin yung paper) "ah okay, sige pasok kana. Punta na tayo sa room mo, dito ka sa unahan para mas kita kita ha".(Buti na lang may kasama akong maaisolate na buntis din nuon pero sa kabilang room naman siya) Somehow I began to relax my self knowing that etong mga nurse dito eh hindi kagaya ng mga naunang naencounter ko,pero aaminin ko sa ilang days kong pag-aadjust,iyak ako ng iyak, lalo na pag kavideo call mo yung mga mahal mo sa buhay(thank God at allowed kaming gumamit ng cellphone), knowing that wala sila sa tabi mo para samahan at tulungan ka. August 3,2020 Dumating na yung pinakahihintay ko, ang "swab test". Thanking God dahil buntis pa ako nun,dahil kapag nanganak na ako nun pati si baby maswaswab test. And yes I am really confident na magiging negative yung result. August 5,2020 I began to feel uncomfortable, pawala wala yung sakit sa baba ng tiyan ko, hanggang sa dumadalas na ito, yun pala, sign of labor na. And yes, nakaramdam ako ng matinding labor to the point na, tumaas yung blood pressure ko dahilan para maturukan ako ng pagpa-baba sa kabilaan ng pwet ko, yung mayroon pang tinurok sa akin na mag-iinit talaga pakiramdam ko. Hanggang sa every 5 to 10 minutes na sumasakit, ni wala na akong kain kasi nung nagstart na akong makaramdam pinagbawalan na rin akong kumain, wala ding sapat na tulog dahil mayat maya siya sumasakit. Hanggang sa mga 11am, yes! Nasa 7 or 8 cm na daw, expecting na mainonormal ko pero nung pagka-kapa ng doc.,malayo pa daw and nasa gilid din kasi si baby but she still gave me 2 chances para umire pero, hindi tlga kaya so she decided na i cs ako. Hanggang sa may itinurok na sila sa likod ko,saka ako pinahiga and unti unti nang namanhid yung katawan ko. Sabi ko pa nga nun sa nurse "maam pwede matulog" pero parang di niya ako naririnig, so might as well huwag na lang hehe. And then finally, narinig kong sabi "ang cuteeeeee" tapos isang napakalakas na iyak ang narinig ko na sobra namang ikinangiti ko, pagtapos nakatulog na ako pero nagising ako nuong linilinisan na ako, pinagdiaper saka ibinalik sa room ko. Hanggang sa nakatulog ulit ako at nung muli akong nagising duon ko na hinanap ang baby ko. It was a very hard yet fulfilling experience, salamat kay nurse kasi sobrang bait, tiyaga at understanding niya ever since siya na yung nakatoka sa amin. August 10,2020 Eto na yung result ng swab test and thank God, negative. Akala ko makakauwi na kami, kasi yung kasama ko pagtapos maswab test makakauwi na sakanila pero makwaquarantine ng 14days,eh ngayon lang siya naswab test. Pero ako, oo maitatransfer na,na akala ko makakasama ko na ang asawa ko pero hindi pa rin pala. Kasi yung room na pinaglagyan sa amin ay exclusive lang sa mother and child treatment dahil sad to say, nahawa daw si baby ng uti ko kaya kailangan niya mag undergo ng 7days antibiotic trearment pero ang masaklap, yung bed na dapat isahan lang ay kailangang makishare na lang daw ako dahil wala na daw bakante. Sabi ng asawa ko sa nurse kung pwedeng sa kabila na lang dahil duon may bakante pero sabi ng nurse "hndi nga pwede, kung gusto niyo magprivate kayo" so Wala na kaming nagawa. First namin nun awang awa ako sa baby ko, and again iyak ako ng iyak kahit tinitingnan na ako ng ibang mommies kasi 2-3x a day siya tinuturukan tapos ipapainit ko siya sa isang blue light para daw mawala yung pagkayellowish niya. August 16,2020 And finally nakauwi na kami. Yes, It was never easy for me because aside sa labor eh nakatanggap pa ako ng panghuhusga pero proud ako sa sarili ko kasi sa mga panahon na iyon eh sinubok yung tatag at lakas ng loob ko, at kahit iyak ako ng iyak lumaban pa rin ako hanggang dulo,kinaya ko ng ako lang. Salamat Lord kasi binigyan mo ako ng pagsubok na hinding hindi ko makakalimutan at ng dahil dito ay mas lalo pang hinubog ang aking pagkatao. Salamat sa aking asawa sa pagbabantay sa akin sa labas(dahil bawal ang bantay sa isolation room), sa lahat ng sakripisyo, tiyaga, pasensya,pang unawa at pagmamahal. Salamat sa aking pamilya at pamilya ng aking asawa, kasi andyan sila para gumabay at sumuporta sa amin. Salamat sa mga nurse na handang ibuwis ang buhay para sa amin, saludo ako sa kanila. At salamat sa mga taong mapanghusga dahil sakabila ng inyong matatalim na tingin, nandito pa rin ako taas noong lalaban at ipagpapatuloy ang buhay na ipinagkaloob ng puong may kapal. #1stimemom #theasianparentph #firstbaby

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan