NO WATER???????
Bawal po ba talaga bigyan si LO nang tubig??Ang baby ko kasi 1 1/2 pa po gusto painumin nang tubig ni mother inlaw ko kasi tinutubol po kasi si baby ko. Mix po ako but more on formula kasi hindi siya nabubusog sa dede ko🥺🥺🥺🥺🥺. Now lng din tinutubol ang baby ko kawawa kasi nagiiyak habang ng.iiri. Meron po akong nabasa na bawal po kasi sa 0-5mos ang water. Nalilito na ako kasi sabi nag mga tao dito puedi naman daw basta pakunti-kunti lang. Please advice po🥺🥺. Thank you
Mommy kahit si Pedia mo hindi yan papayag na mapainom ng pure water lang.. Do research din mommy magbasa basa ka mga posible mangyari pag uminom si baby ng pure water nakakaawa ang kidneys niya.. Saka paano mo nasabi di nabubusog sayo? Baka sinanay na din kasi mag mixfeeding. Kokonti talaga breastmilk mo kasi nag ooffer ka formula.. Law of supply and demand kasi ang BM the more papalatch ka at maeempty ang breasts the more na magpproduce yan ng milk. Since may formula na.. Naisip mo ba kung hiyang siya sa formula na binibigay mo? Saka check din kung matigas ang tyan at irritable si baby. Possible din kinakabag baka hindi anticolic ang bottles.. Mag invest ka sa magandang bote na anticolic para hindi hirap si baby sa kabag.. At hindi solusyon ang painom agad ng water. Mag ILoveyou massage ka at bicycle exercise kay baby.. Saka kaw ang nanay ikaw ang masusunod nasasayo nalang yan kung gusto mo pacontrol kay MIL sa pag aalaga ng sarili mong anak.
Đọc thêm6 months pwede magsimula sa pagpapainom ng tubig sa baby. kung tinitibe sya, it means hindi hiyang sa formula na pinapainom nyo OR hindi tama ang timpla nyo (sundin ang no. of scoops & water level based sa instructions ng milk). learn ILY massage nakakatulong po para sa mga baby na may kabag at matigas ang poop. tyaga lang po sa pagpapadede if gusto nyo talaga dumami ang breastmilk nyo. more water si mother & malunggay/gulay na greens. most importantly, padedehin nyo lang sa inyo kasi the more na dumede sya, the more supply ang magagawa ng breasts mo po. pagdating sa health & safety ni baby, sumangguni sa health professionals especially sa pediatricians, hindi po sa in-laws nyo or sa kapitbahay or sa mga marites sa paligid.
Đọc thêmiwasang makinig sa mga sabi sabi ng ibang tao lalo na ung mga matatanda kung hndi nman yun ang inadvice ng pedia. kng may milk ka nman pla, bakit nagmimix kpa? kakamix feeding mo, sa susunod maagang mawawala ang milk mo dahil mas dadalas n ung dede ng bata sa formula. i suggest itigil mo na ang pgbgay ng fm sakanya hbang maaga pa. sulitin mo muna yang milk mo. maliit lang ang tiyan ng bata, hndi kailangang busog na busog ang bata kada kain kasi hndi rin yan mganda. baka isuka pa nya yan at mapunta pa sa baga. ang gatas ng ina ay lumalabas according sa pangangailangan ng bata.
Đọc thêmBaka hindi po hiyang ang baby nyo don sa formula milk. Bawal pa po talaga ang water sa baby na wala pang 6 months. Much better magpedia po kayo para maresetahan kayo ng gatas na talagang aangkop sa baby nyo po at para macheck din ang pwet ni baby kasi kung tibi ang dumi nya pedeng nasugatan ang pwet nya at baka resetahan kayo ng ointment. Kasi ganyan din yung pamangkin ko. Di hiyang sa Bona, tinibi. Mixed feed din kasi nga di a sapat ang gatas ng Nanay nya. Kaya pinaltan ng pedia ang gatas at niresetahan ng ointment.
Đọc thêmKawawa naman yung Baby. Gusto ng painumin ng Water. Hay🤦🏻♀️ Sana ikaw Momsh, may Sarili kang Desisyon para dyan sa Anak mo. Hindi yung makikinig ka kung kani-Kanino. Ganyan din ako dito sa Bahay. 3 Months Baby ko pero Never ako nakinig sa Opinion ng mga Kasama ko Dito sa Bahay. Ako at Ako lang may Karapatan mag Desisyon para sa Anak ko. Anak ko to eh. Anak ko
Đọc thêm1 Month pa lang pala. Sa mga ganyan, Mahina pa talaga Breast Milk pero pag nag Unli Latch ka, Lalakas yan. More on Formula? Kaya lalong hihina Milk nyo kasi more on Formula kayo. Pag nagpa Dodo kayo ng nagpa Dodo sa inyo, Lalakas yang Breast Milk nyo kasi nararamdaman ng Body nyo na mag Produce ng mag Produce ng Milk
Đọc thêmbicycle massage mamsh ganyan po ginagawa KO SA anak KO pag Di makapop or matigas ang poop.tsaka padede Ka Lang po Ng padede para dumami po supply Ng gatas mo tsaka Kain Ka po Ng mga may sabaw like tinola Jan po dumami gatas KO.mas maganda po Kasi pag breastfeed Ka mas ok po pag poop ni baby.
1 1/2 months po is super early for ur baby to drink water momshie.. consider taking ur LO sa pedia.. or Mas better na mag change kau ng brand of milk or lessen the scoop of milk.. do the I love u massage po or ung bicycle massage ky baby.. nakatulong din po un para mautot c bb
mix feeding na kau mommy sa bottle feeding nagamit na Po dun Ng water Saka Ang breastfeeding nio Po Ang nagbabalance Ng pagkain Po bian ni baby 6 months Po pede nio na painumin c baby Ng water . cguro Po sa pagtimola Ng formula bakq sobra ung pgkakalagay Po Ng gatas
Mumsh. Masyado pa pong maaga kay baby para mag tubig. Hindi pa yan kayang iprocess ng katawan nila and pwedeng mag cause ng hyponatremia or water intoxication. Sa pedia po kayo mag rely and wag po sa inlaws niyo po or sabi sabi.