Buko juice
Bawal daw po ang fresh buko juice sa buntis? Sabi po ng mga tita ko kasi meron akong pinsan palagi umiinom ng buko while pregnant dinugo daw po sya? Pampalaglag daw po ang buko? Please help po. #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby #pregnancy
i disagree, kasi marami akong nabasang article and dito mismo sa TAP about the good benefits we could get from fresh buko juice. and halos lahat nirerecommend na uminom nito mapabuntis o hindi, lalo na sating buntis dahil mas prone tayo sa UTI.
hinde naman siguro yan totoo since 5mos tiyan ko araw2 ako umiinom ng buko hangang ngayung 8mos nako okie naman pag bubuntis ko healthy naman ung baby ko subrang active nga nya kada oras nag naninipa.
hinde naman po, actually nakaka tulong pa nga yun sa UTI. safe naman baby boy ko super active nga eh.
D po totoo nkaka lag lag ang buko juice mga mami 38 weeks nko simula start ng pregnancy ko nag buko ako kaya d ako nagka uti the whole pregnancy po waiting nko ky bby nkapag pa swab n dn ako at complete lab😊
okay po momsh. thank you po
Hindi nman.. Ako umiinom. Ako ng buko once a week nakakatulong din daw siya sa mga UTI since prone ang buntis sa UTI.. Siguro better if iconsult mo rin siya sa OB mo para lang sa peace of mind mo po momsh..
okay po momsh. salamat po
No po. Ako everyday buko juice dahil advised ng Ob ko super galing daw ng buko juice. Mahirap mag trust sa mga sabi sabi lang po mas makinig po sa doctors mommy 🙂
oo nga po. salamat po
pwede po buko. pero hindi dapat araw araw. sabi ng ob ko, yung ibang buntis, hindi hiyang sa buko kaya sumasakit tyan at nagtritrigger ng premature labor
ganon po ba 2 days kasi ako magkasunod na uminom tapos sinabi nila bawal daw kaya po kinakabahan ako.
7mos nako dipa buo baby lagi ako nagbubuko kasi nagka uti ako first tri. Hindi po totoo yan until now always buko padin ako 🙂
okay po momsh. salamat po 😊
araw araw po akong umiinom ng buko juice.kasi pag tubig sinusuka ko.kaya sabi ng ob ko mag buko daw muna.sa awa ng diyos ok nman si baby.
okay po mommy salmat po
Panget wag ka iinom ng buko o nung laman nito.. ung kakilala ko na jan pinaglihi ayon panget ung balat may mantsa mantsa na tulad sa buko
ay ganon po ba. salamat po momsh
Not true po.During my pregnancy lagi lagi po ako na inum ng fresh buko juice. Sobrang favorite ni baby sa tummy ko ang buko juice
Excited mom to be ❤