31 Các câu trả lời
bawal po talaga ang pagpupuyat sa buntis. kelangan kumpleto at maayos ang tulog kasi nasa proseso pa ng pagdedevelop ang katawan ng baby. kapag lagi kang puyat bababa ang Bp mo pwede ka maging anemic kung hindi maganda ang blood pressure mo makakaapekto yun sa baby mo kasi sa dugo mo nakukuha ni baby yung nutrients na kailangan nya. pangalawa, kung wala kang sapat na tulog hihina immune system mo pwede ka mahawa agad ng mga simpleng sakit gaya ng ubo sipon lagnat which is dapat iwasan kasi uso ang covid ngayon at symptoms din ng covid yun. pangatlo kung puyat ka lagi mahihirapan ka sa paglelabor kasi wala kang sapat na energy para masurvive yung labor pain. kaya dapat matulog ng maayos wag magpuyat hanggat maaari. hindi madali ang maglabor ng matagal kaya kung puyat ka ng puyat baka di kayanin ng katawan mo yung pagdadaanan nyan na sakit.
Nung buntis pa ako mommy, superrr hirap ako sa pagtulog.. ewan. prang sa pregnancy hormones po tlga.. smntalang love ba love ko matulog noon hehe.. well, ung ginagawa ko every side my unan.. pati sa between legs ko pati sa paa ko pra lang comfortble ung sleep ko. pero waley pa rin hehe.. nanonood na lang ako ng kdrama.. pero kahit ganun healthy nmn baby ko mommy. di nmn xa mukhang zombie hehe..
Yes moms hirap lalo na pag gabi minsan 3am to 4am hindi pa rin makatulog tas lagi maggising ng 7am pero ginagawa ko nattulog nalang ulit ako after tanghalian hanggang hapon. Hirap makakuha ng tulog pag buntis lalo na 6mons na akong preggy . sabi bawal makakasama pero kahit anong pilit hirap makatulog talaga
Bawal cgru d nakakabuti sa ating mga mommy, pero ako parati ako puyat 2-4am na ako mnsan natutulog, tapos gising ako 8-9am.. then pagka hapon tulog na naman ako para lng mabawi ko ang d ko na kumpletong oras na natulog ako, at yun puyat na naman pagka gabi, ganyan nlng po ginagawa ko, tulog sa hapon,
Ako dati laging puyat kasi di makatulog . Pero pagtungtong ko 6months umayos na tulog ko heheheh 11pm no more cellphone na .. off lights na and thank god nakakatulog namn ako agad . Gising sa umaga 7:30 iinom gamot tapos walking sa lbas , balik ako ng bahay 8am kakain bfast ..ayun lang
...ako since 3mons.preggy ako..hirap na talaga ako sa pagtulog sa gabi.. hanggang ngayung ma.5mons.preggy na ako..binabawe ko nlng sa umaga pero 1hr.sleep lng dapat..maitulog ko lng antok ko.. natatakot kea ako magmanas mukha ko
As much as possible no mommy but ako naman non medjo puyat. Pero trust me, get all the sleep you can! Kasi when baby comes out, wala ka nang matinong sleep. 😂😅
karaniwang case sa buntis sis ang may insomia. kaya madami din po ang napupuyat na buntis. 😊 hindi naman sa bawal, basta need lang palagi na sapat ang tulog sis.
Kung tutuusin po bwal tlga pero may mga preggy na hirap mkatulog sa gbi isa na ako dun pra puyat ako lagi d ako mkatulog ng maayus
Masama daw po. Pero usually nakakapuyat din nga talaga kasi kung anu-ano nararamdaman. Basta sana nakakabawi sa ibang oras ng tulog.
Emelyn R. Galdones