Postpartum depression

PPD po ba tong nararamdaman ko ?5months na si baby and Kami Lang lagi sa bahay dahil nasa work si mister. Kanina Kasi diko alam nangyayari sakin siguro dahil sa sobrang pagod ko at gutom.Ayaw Kasi palapag ni baby Kaya maghapon ko syang karga pag binaba ko sya naiyak naman natulog sya dalawang beses Lang sa maghapon pero siguro mga 10mins Lang ang itinagal.. Kanina napatulog ko na sya pero paglapag ko sa kanya nagising sya at naiyak ayaw nya din dumede.Hindi ko na alam gagawin ko sobrang pagod na katawan ko sa maghapon Kaya habang naiyak sya nakatitig Lang ako sa kanya inilayo ko sya sakin at hinahayaan ko Lang syang umiyak Ng umiyak pero after nun kinuha ko na din sya at kinarga,Hindi ko alam ang nararamdaman ko naiiyak ako habang nakatingin sa baby ko na sobrang guilt ang nafefeel ko, sorry ako Ng sorry sa kanya..is this ppd ? Pa advice naman mga momsh..first time mom ako.ty

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

nararanasan ko din yan mie, 5 months din ang bunso ko . 4 ang anak ko, panganay ko ay kaka 10 y.o lang kahapon at may 6 at 4 y.o akong anak . minsan bigla nalang ako makakaramdam ng lungkot at maiiyak kasi feeling ko hindi ko sila naaalagaan ng maayos, dahil andaming gawaing bahay .. minsan nakakatulong ko anak kong panganay sa gawaing bahay o di kaya napag aalaga ko nung bunso ko, pero nakakaramdam ako ng guilt at sinisisi sarili ko na imbes nakakapaglaro sya eh nagiging taga bantay ng kapatid nya tuwing may ginagawa ako 😥asawa ko din kasi nagtatrabaho at panggabi kaya buong maghapon tulog paggising naman nya aasikasuhin ko pa sya kasi papasok na naman sa work . sobrang nakakapagod at feeling ko din kulang na kulang ang oras ko sa dami kong ginagawa ..

Đọc thêm
8mo trước

siguro sobrang stressed din Kasi natin Mii Kaya ganun minsan naghahalo halo na pakiramdam natin ..