102 Các câu trả lời

VIP Member

Nagpositive po ung pt ko june 24 pero super faint, nagpachek ako sa ob ko , june 27 pero di pa ako inultrasound pinatake lang ako ng folic and pampakapit... july 2 bumalik ako kasi nagspotting ako at may stomach crmaps , bale pina 3x a day nya ang pampakapit ko and , inultrasound na na rin ako dat time , and nalaman kung 5w3d na akong pede pero yolk sac palang nakikita wala pang baby, pinabalik ako after 2weeks , bale 7w3d akong preggy, that time may baby and heartbeat na po sya 😇❤🥰 super saya ko nun kasi nakita ko tlga sya parang butiki lang :) i am now 19w2d pregnant :) gumagalaw narin si baby :) and its a boy :)

Baka naman momshie yung nakita sa ultrasound mo eh yung fetal age. Technically kasi yung 8wks na binanggit is based from you last menstruation period or lmp. Lmp which means nung huling period mo eh technically wala pa naman si baby nun. Nabuo si baby mo 2 wks later on kung kailan ka nag ovulate. Kaya minus 2 wks tlga mostly ang fetal age or age ni baby mo sa loob. Pero habang tumatagal naman sa pregnancy eh pumapantay yung fetal age at age of gestation mo.

Ako nga base sa lmp ko ang sabi 11weeks 3 days daw.. Pero nung nagpaultrasound kami 6wks 5 days palang din..Ang layo ng agwat.Sabi saken irregular daw kase ako.. So sinusunod namin ni ob syempre yung sa ultrasound. Btw,6wks 5 days din ako dati nagpaUS may heartbeat na sya at nakita na.. Don't worry baka maliit palang din sayo.. Wait ka nalang po.Yung iba ganyan din naman pero nagpapakita din ganun pag pinabalik na.. Pray nalang.Good luck po.😊

Kelan ang pinakaunang araw ng huling Mens nyo? kasi ako March11 yung unang araw ng huling mens ko. tas naglovemake kami ni Hubby march25 then April 16 saka ko nalaman na buntis na ako. kala ko 3weeks palang akong buntid nun pala 5weeks na kasi kasama na yung weeks nung nagmens ka. kaya sa mga ob tatanungin nila yan kelan yung unang araw ng huling mens mo kasi di naman nila tatanungin kelan nyo ginawa si Baby. 😊

Don't worry po mommy baka late lang na form yong embryo, ganyan rin case ko nong 1st trimester nagpa TVS po ako ,yong unang na form at 5wks is yong tinatawag nla na bahay bata yon kase ang nakaka positive sa pt sabi ni ob, pagbalik ko after 2 wks ayun may heartbeat na po, currently at 27 wks pregnant na 😊.. think positive lang po, pray lang po na totally ma develop na po 🙏

Ganyan din po ako momsh. Nung delayed ako ng 1month tsaka ako nagpt at positive. tapos nung nagpacheck up ako 6wks plang daw ako sabi ob ko tapos nung nagpatransv ako sabi sa ultrasound 5wks palang kaya dp makita si baby. Natakot fin ako non kasi sabi ng ob ko may possibility na bugok ang nabuo namin. Pero pray lang ako ng sobra at ngayon 22wks na big na si baby.😊

Same po tayo mommy. Ang calculation and sa OB is 8 wks pro sa ultrasound is 6 wks pa. Transvaginal din po ba ultrasound mo? Kasi yung sakin nadetect na c baby and my heartbeat na. Explanation ni doc baka d ka pa buntis nung start ng month ng calculation compared sa ultrasound. I was advised to repeat US din afrer 2 weeks so hintay2 nlang mommy.

Possible po na mangyari yun ganyan po ako non delay ako ng 2 months bago ko ma preggy then binase po ng oby ko sa last mens ko yung bilang nya kay baby then ng nagpa ultra sound po ako don nalaman na ilang weeks palang po non magkaiba po bilang nila. But thanks God nakapanganak napo ako na tama po yung nasa ultra sound na bilang.

VIP Member

Ako rin based sa LMP ko 9 weeks preggy na ako,pero nung nagp'transvaginal ultrasound ako 7 weeks plang daw..sabi ng ob ko 2 weeks older daw ang pagbilang nila..kung 7weeks preggy ako means c baby is 5weeks plang kasi 2 weeks older..😊😊 tapos tinanong ako kung irregular ba daw ang menstruation ko,and i said yes..kayo ba?

Ganyan din sakin, sac palang at wala talagang makitang baby. Pero pinagtake ako ng folic nun, then after 2wks bumalik kami, nakita na so baby with heartbeat. Right now, 6 months na ung tyan ko. Pray lang po tayo, magdedevelop din yan si baby. Wag po pa stress masyado and gawin un advise ng OB. 😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan