Hello mga miiii

Bat ganun bigla nalang may pumapasok sa isip ko na puro masasamang bagay na pwedeng mangyare. Pero wag naman sana. Nagdadasal nalang ako na wag mangyare. May sakit kaya ako sa utak mga mi? Nagkatrauma kasi ako nung nakunan ako nung last last year pa. Pero now nanganak na ko, minsan pumapasok sa isip ko na bka kung ano mangyare kay baby 😢 mahal na mahal ko si baby. Sadyang ganun nalang minsan mindset ko puro negative na bagay. Haaaay#advicepls

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Anxiety/fear lalo na nakunan ka nun mi. Natural lang maging protective ka or ayaw mo ma harm baby kase nga mahal na mahal mo tas may trauma ka pa kse may nangyari sa unang baby mo. Pwede din part ng postpartum depression. PCOS ako tas chronic prostatitis si partner. 5 years in the making tong samin. Ayaw ko nun sumaya nung positive pt ako. Sabi ko baka false. Tas nagpa serum ako positive. Ayaw ko pa din mag celebrate hanggat wala ultrasound. Tas iniisip ko nun baka maalisan ako anytime or baka ectopic pregnancy. Ganyan din ako nun panay negative. Pero ina assure ako ng partner at OB ko. Acknowledge your feelings and wag ma guilty na ganyan nararamdaman mo. Siguro do your best mommy alagaan si baby. And regular check ups. Kinig ng music or watch cute funny videos. Anxiety and fear will rob you from happiness, enjoy mo lang every moment niyo ni baby lalo na mabilis lumalaki mga yan. Take pics and videos ng mga moments niyo and milestones ni baby.

Đọc thêm
2y trước

Salamat mii 🙏🏻😊

wag ka po magisip ng neg. isipin mo puro positive,ganyan dn ako pero isip ko sa mga hayop... alam mo ba un viral na dogs na c marshall at millions ilang araw aq isip ng isip sknla smla nbsa ko sa fb un jusko para q mbblw akala mo kaw amo nla pero d aman skt sa ulo lasi ganun aq ie matagal bago mawala kkisip mga 1week pero now ok na... kz sabi q kay god alisin nio un mga naiisip q d mgnda kz na stress aq... aun nawala aman... pray lang tlaga...

Đọc thêm
2y trước

Salamat mii. 🙏🏻

Most Moms nakakaranas ng ganyan pag may past trauma na di pa gumagaling. Pwede din na post partum yan. Alam mo ba may mga magulang din na bigla2x nalang nakakaisip na saktan yung baby nila. Nagiging over protective kase sila kase nga napaparanoid. Best way is to always avoid stress,talk to your husband kung may time sya.

Đọc thêm
2y trước

Pray po kayo My tska makinig Christian songs huwag manood ng mga nega o masyadong madrama. Read the Bible din po. Ako kapag inaatake po ako ng anxiety ito po ginagawa ko. Consult din sa doctor.

hello mi, need mo ba ng kausap? or makikinig sayo kase baka na iistress kana kung ano ano na pumapasok sa isip mo. baka need mo lang libangin yung sarili mo sa ibang bagay. baka lalo kang ma stress at sabi ang binat daw gang 2 taon pde ka padin mabinat

Hello mamsh, merong tinatawag na "intrusive thoughts", according to studies defense mechanism daw ito natin to protect baby so it's normal po. Also, remember to pray, it will help relax your mind as well. 😊

Same Mi. Sobrang natatakot ako palagi para sa Anak ko. Ayoko may mangyari masama sa kanya.. Advance ako mag isip na sana kung sakali Ako nalang.

2y trước

Same mi, super advance ko din mag isip. Di pa nangyayare naiisip ko na 🥹

Beh wala kang sakit sa utak, trauma ka lang talaga kaya ka nag kaka anxiety. It happens din talaga.

same, mi. may times na naiiyak na lang ako with the thoughts na pwedeng mangyari kay baby. grabe

meron po talagang ganyan ako nga po na panaginip an ko sya di makapag salita o nahulog ganun po