Safe ba gamitin herskin secret glow habang buntis?
Based naman po sa advertisement nila, safe daw for preggy pero mas ok sana if may iba po akong makilala na gumagamit or gumamit while pregnant neto. #
Any pampaputi, pamparejuv, pantanggal ng pimples, wag po muna sanang gumamit.. alamin muna mga ingredients ng mga products. marami po kasi ingredients na sabi safe pero tumatawid pala sa placenta at nakukuha ni baby. maraming magsasabi na "yung product namin safe for preggy, etc" pero syempre kahit sinong nagtitinda, sasabihin po yun. Dun po muna tayo sa pinakasafe side... konting tiis lang naman po yung hihintayin natin bago mailabas si baby..
Đọc thêmshare ko lang experience ko. start nung nalaman ko na preggy ako (mga 5 weeks preggy na ko nung nalaman ko) nag stop ako mag skin care as in kahit lotion and make up (1x plang ako ulit nakapag full make up kase nagpa gender reveal kami). yung mga skin care ko nilagay ko muna sa ref para di maexpose sa heat. sobrang paranoid kasi ako since 12 yrs ang gap ng first born ko and itong current. 25 weeks na pala po ako. konting tiis lang tayo. maganda tayo kahit walang skincare.
Đọc thêmCareful muna sa mga gagamitin products mommy kasi mas importante na safe lahat ng products para hindi maapektuhan si baby. Huwag muna masyado magpaganda.. May sariling glow naman ang mga buntis makapagpahinga manlang din ang skin sa mga products na may chemicals.. Basta inom ka lang ng mga prenatal vitamins, kain ng mga healthy foods at inom ng madaming tubig at avoid stress at gumamit ng mga mild products lang muna. If ever may gusto gamitin skincare ipaalam muna kay OB..
Đọc thêmdi naman sa naninira ng products pero ung mga ganto are rejuvenating sets which is bawal na bawal sa buntis. kahit hindi ka buntis it's a no-no mga gantong products kasi nakakasira ng skin barrier. yes mabilis effect pero magiging sensitive skin ka na later on tulad ko. nagsisi ako na gumamit ako ng mga ganyan nung buntis ako tigil lahat. una sa lahat kahit anong skin care mo, mataas talaga hormones ng buntis. wait mo na lang lumabas si baby.
Đọc thêmi avoid using any products na wlang go signal ng ob. so far vitamin c serum lang gnagamit ko. mahirap ng magkadeformity ang baby. hndi na mababawi. tiisin mo nlang, ilang months lang nman. ung vit c serum n gamit ko ay ung breylee n brand pa kasi ung sa ibang well-known brand, may ibang chemical na halo so hndi safe. i had my congenital anomaly scan, normal naman lahat ng features ni baby kaya kampante na kong safe nga talaga sya.
Đọc thêmewan ko ah for me kasi kapag buntis basta chemicals na ganyan is NO for me. pwd ba if natural or organic yan mas safe pero kapag ganyan na rejuv hnd ako nagamit khr befire mabuntis. If hd mo naman need nyan wag ka na gumamit.
double checked it din po sa isang study na maaring di siya kasing lakas ng hydroquinone but no studies available for safety and not FDA approved sa US for pregnant women so kung ako sayo wag muna to be on the safe side. hope this helps 😊
kung ano ang nasa puso mo sundin mo hehehe char , 32 weeks na ko pero nag stop talaga ako sa rejuv , pero sa Soap g21 padin gamit ko and minsan nag bleaching ako since nag 3rd trimester ako ng g21 di ko lang nilalagyan tummy ko hehehe.
wag po muna mie para rin yan sa safety ni baby. ako nga kahit lotion or for stretchmarks wala akong ginagamit especially pag direct contact sa tiyan ko. kasi mahirap na. nsa huli pa naman lagi ung pagsisisi
mommy i checked the ingredients and it contains Alpha Arbutin which is a derivative of hydroquinone. no no po talaga ang hydroquinone while preggy and breastfeeding. wrong advertisement sila. tsk