Normal or CS?
Based on LMP, past due date na po ako. I am at 40 weeks and 5 days. Pero sa transV ultrasound, nasa 39 weeks pa lang po ako. EDD will be on September 2. Normal naman po lahat ng laboratory ko and BP ko pati na rin heartbeat ng baby. This week po nagka-bloody show na po ako, pero according sa midwife ko, nasa 2cm palang ang cervix ko at hindi pa naka-engage ang baby ko sa cervix. So, ibig sabihin floating pa siya. Bihira po mag-contract ang tyan ko. Pag nagcontract, saglit lang at matagal ulit mauuulit. Medyo magalaw pa rin si baby. Kapag daw hindi bumaba si baby, baka i-CS ako. Do you think I have to consider CS? And hanggang kelan ako dapat magdecide? I am planning on waiting na lang hanggang sa magtuluy-tuloy contractions ko para normal delivery pa rin. Mga momshies, what do you think?