Momsh, nabasa ko lang po tu..hope this will help😉 HALAK Minsan napapansin ni mommy na tuwing habang sumususo si baby, may halak/crackles na naririnig sa dibdib at likod. Minsan nakakapa din ito ng kamay. Kung ito ay kusang nawawala after sumuso si baby, hindi siya inuubo o nasasamid, walang lagnat, hindi mabilis o nahihirapan huminga, natutulog ng matiwasay at active, huwag muna magpanic! Ang tawag dito ay TRANSMITTED SOUNDS. Ito ay tunog lang ng gatas na dumadaan mula sa esophagus papunta sa tiyan. Manipis kasi ang dibdib at likod ni baby kaya ultimo iyun ay naririnig o nakakapa ni Mommy. Muli, kung happy si baby, hindi hinihingal, inuubo (iba ang ubo sa samid), nilalagnat, hindi kailangan isugod sa ospital. Kung sa palagay ninyo ay para siyang maysakit, saka ninyo po siya dalhin sa inyong Pedia.
Normal lang po yan sa mga babies mommy. Dapat iburp talaga sya every after feed