16 Các câu trả lời
ayan sabi ko na sayo eh mag pa check up ka. Madami ng mommies ang maiinis sayo niyan kase paulit ulit ang tanong mo masesermunan ka talaga dito. baka nasira din ng pills yung regla mo di mo naman nabanggit na nag pipills ka pala sabi mo lang nag condom kayo. Dapat kase di ba habang nagreregla ka (FIRST DAY) nainom ka nun. At deretso dapat kase pag sira sira ang inom at nakipag kontak ka ng walang proteksyon. malaki talaga ang chance mo magbuntis. kaya pag nagka regla kana ng malakas maging matalino ka. Isipin mo ng isang daang ulit ang magiging bunga ng pakikipagsex mo. Mag aral ka mabuti at maawa ka sa parents mo. Hanggat kaya ka pag aralin mag aral ka. Ang lalaki hindi yan mawawala. madaming lalaki diyan. wag ka mag madali. Pumili ka ng karapatdapat sayo yung kaya tustusan ang mga needs mo. Wag ka basta mag pa araro ng pa araro maaga ka malalaspag nyan. sige ka.
Pacheck up ka sa OB kasi ilang araw ka nang ganyan, post ng post pero same lang halos ng problem mo. Check up ang need mo para matahimik ka. ngayon kung buntis ka, pangatawanan mo yan at lakasan mo ang loob mo (kahit na nagaaral ka pa at sabi mo nga nahihiya ka sa mga magulang mo) kasi ginawa mo yan ng di nagiisip ng maayos basta sugod ng sugod lang sa sex.. masarap naman ang sex pero di masaya kung di ka handa mabuntis. sa health center libre lang magpacheck up. may transV na mura lang depende kung sang clinic ka papagawa meron 500 nyan pero umaabot sa 1k to 2k. magastos ang magbuntis hija kaya magingat lagi, gumamit ng proteksyon kung di kayo makapigil ng bf mo. maging responsable. di basta basta ang baby lalo na pag walang pinagkukunan ng pera. sana stress lang yang nararamdaman mo kaya nagsspotting ka, nasira ang hormonal balance mo.
Salamat po
Hija lagi mo isipin ang kahihinatnan ng kapusukan mo. Isipin mo magulang mo. Sobrang hirap magbuntis at magka anak kung di ka handa financially, emotionally at physically. Mahirap magisip kaya para maiwasan mo yang pagka stress mo itigil nyo na muna yan. Kasi tignan mo kahit nagamit kayo ng contraceptive nagiisip ka parin kasi nga alam mo sa sarili mo na hindi ka pa handa. Di ka talaga mapapanatag nyan kaya pinakamaganda dyan itigil nyo na muna. Payong ate lang yan hija wag mo sana masamain.
Neng alam mo kita sa mga comments mo na di mo iniintindi mga advice sayo ng mga mommies dito. Sinasagot mo pero pinag gigiitan mo na ganyan ang nangyari sayo. Pinapayuhan ka namin kasi concerned kami dahil halata naman na di ka pa handa dahil sabi mo nga nagaaral ka pa. Pero ikaw parang marunong ka pa.
Hello connie, Hindi lahat ng brown discharge e sign ng early pregnancy. Yung iba nag iindicate na meron kang infection. Kaya mag pacheck up ka sa OB para malinaw anong gagawin mo o iinumin mo.
Akin po kase light brown to dark brown po and discharge lang po talaga Hindi makita sa panty mo kung Hindi mo pupunasan.
Pacheck up ka na kesa paulit ulit ka ng tanong. Inaadvice naman sayo na magpacheck up ka di mo naman pinapansin.
Actually,Ganyan Po nangyari sa akin last year Bago ko Po malamang buntis Pala ako.. January 2022 3rd week Ng January Akala ko may dalaw ako..1st day Ng dalaw napakaUnti lang as in di pa mapuno Ang pad,Paunti Ng Paunti Yun Hanggang mag3 days,so Akala ko Wala,Nung ikalimang Araw may brown discharge Ng lumalabas pero sobrang kunti lang.. Akala ko mens ko lang Yun Na di nailabas Nung nagkaRoon ako.. Tapos Feb.02 bigla sumakit Ang ulo ko nahilo at nagsuka ako, So Akala nila Dito sa bahay gutom lang ako dahil nga sinabi ko na nagkaRoon ako Ng 3rd week Ng January Kaya imposibleng preggy ako.. Pero after 2 weeks,Feb.22 delayed na ako.. So nagPT ako then nagpositive.. Kaya nagpatrans V agad ako.. 4 weeks 5days preggy na Pala ako.1 month na Pala ako preggy.. Then sabi Ng OB sa akin..Yung last Mens ko daw is Implantation bleeding na..Panimula Ng pagbubuntis Yun,spotting in short.Yun daw Ang Early pregnancy symptoms..Pag nagPT ka then negative baka di pa madetect Kasi mahina Yung hormones sa kataw
Pa TVS ka na lang sis. Para mapanatag ka, kesa take ka ng take ng pt mo eh negative naman.
1500
huwag Kasi Basta mag depindar sa pt pacheck up nalang Po para masagot Ang tanung mo
Menstruation yan,kung implantation bleeding yan di yan tatagal ng 6 days.
c.桜