I'm not sure if I'm pregnant.
Bakit po ganun yung nararamdaman ko parang may pumipintig po sa left side ng puson ko tapos kapag po naiipit ko po yung puson ko medyo masakit po? Pa-advice naman po please. 🙏 Thank you po. 💖
Sis, nagpt po ba kayo bago duguin? if yes at positive po better consult an OB na lang po. kasi the fact na nagbleed di yun normal lalo at marami rami po, mas may reason ka po magpacheck up... and sa pintig po sa puson, may mga malalaking ugat po tayo sa buong katawan natin na connected sa aorta, yung nafifeel mo ay yung artery na malapit sa pusot lik yung femoral artery (may pulso yun) mo o abdominal artery (nasa bandang tyan pababa ng puson). pag mabilis o malaks heart rate mo o mataas bp minsan po nafifeel po yun na parang may pulso. Godbless po.
Đọc thêmHow can you say na pregnant ka kung dinugo ka na at dika naman delay? Better to consult an expert and don't self meditate. D mo pwede hulaan condition mo. And hindi normal ang 21 days cycle. 28-34 ang normal. And yung nararamdaman mong pintig is sayo yun. It's too early para masabi mong sa baby yun, 3 months onwards mo sila mapifeel. Advice : Better consult and magpaTransV to confirm your "baka buntis ako" thoughts😉
Đọc thêmThen kung may load ka para magtanong dito, malamang may pera ka din para magpunta sa OB. Mas magandang sa OB ka magtanong ng ganyan kasi case to case basis yan, d porket normal smen is normal na din sayo.. And fyi para sa mga konting kaalaman ba gusto mo malaman, open naman si Google. Doon mas malilinawan ka.
kung buntis po kayo.. dapat educated po kayo na its not normal na duguin ka brown or red discharge ng ilang araw, yan ang pinaka ayaw ng OB. get yourself check. get a serum test para sure. at wala pong pintig ang 4 weeks dugo palang at walang heartbeat yan😉 maybe you feel the abdominal aorta (pulse)
Đọc thêmsige po, salamat po 🤗
nag pt na po ba kayo? make sure na mag take po kayo ng pregnancy test and much better na mag pacheck up po kayo sa ob para marequest kayo ng ultrasound ganyan lang po ginawa ko mii, nag pacheck up at nagpaultrasound ako, nalaman ko agad na buntis ako 22 weeks of pregnancy na ako momsh.
momsh need nyo po mag pacheck up kung may senyales na po kayo, bibigyan naman po kayo ng request ng ultrasound at kung if buntis po talaga kayo mabibigyan kana ng vitamins para kay baby.
Kahit po sobrang labo basta may second line po positive. Ganyn din po saken pero pa check up ka nalang sis para my peace of mind ka.
okay sige po, salamat po 🤗
eto po mi.. bed rest lg ako.. wait pa after 5 weeks for heart beat monitoring 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
mag start ka ng count first day of your period hanggag sa dumating ulit
hi better mag pt na po kayo sa mga center free po yun alam ko.
meron po sa botika mga pt nasa 20-30 pesos lang po isa.
hi mii marami po ba lumabas like parang period po??
Ako 3weeks ago may lumabas na brownish discharge sakn...natakot ako,agad ko ininform c ob ko,tapos un pna utz nya ko to chek d status of my baby...thank God ok namn c baby...healthy & medyo over weight (currently 31weeks)...as per my ob may instances po tlga na may lumalabas na brownish sa atin lalo na f lumalaki c baby at malikot masyado...most likely kc may friction nangyayari sa loob natin,so meaning may mga little tearing sa loob,kaya mgkka blood discharge (brownish color), wat is alarming daw is if ang lumalabas is blood in watery form...un need mo tlga mg worry...pero still mgpa chek-up ka to be sure...kc iba2 cases ng pregnancy.
Bakit hindi po kayo mag PT para sure?
sige po, salamat po 🤗