Labas ko lang sama ng loob ko.
Bakit may mga tao na pakialamero/pakialamera sa buhay ng may buhay?
Importante ba talaga ang comment nila? Kasi ang daming sinasabi about sa amin ni LIP ko. Kesyo wala daw siya pagsusumikap ganun walang effort para sa amin ni baby ko. Iiwanan lang daw niya ako pagdating ng araw. Bakit alam ba nila lahat ng tungkol sa buhay namin mga plano namin. May pagkakaintindihan naman kami ah. Nagsusupport naman siya sa akin nagbibigay ng allowance kada sahod niya. Siya pa nga nangungulit kung kelan next check up ko ano mga kailangan ko. Ever since nagpacheck up ako never naman ako nanghingi sa kahit na sinong kamag anak ko o sa magulang ko mismo ng pampacheck up ko si LIP naman ang kasama ko nagpacheck up. Dina ako nagwowork kasi ob high risk ang case ko kaya kelangan sobrang ingat ko. Kaso pano ako makakapagpahinga kung sila mismo nang iistress sa akin. Bakit? Kelangan ko pa ba sabihin sa kanila, uy si lip ko nagbigay na ng allowance ko nagsusuporta siya sa akin ganun ba? Job order kasi work niya sa government tapos under pa ng mayor's office so napakamatrabaho ng work talaga niya. Buti sana kung regular na siya fix na work niya eh kaso hindi kung ano sabihin ni mayor nila susunod sila. Di nila hawak oras nila. Madalas umaabot sila ng madaling araw dahil sa meeting ni mayor nila kasama si LIP at iba pa. Sa ibang bayan nagwork si LIP mga 20 to 30 mins travel din from my place. Kaya usapan namin pag 10 or 11pm na di pa siya tapos sa work wag na siya pumunta dito sa place ko uwi nalang siya sa kanila dahil mas malapit. Di naman ako pwede magstay sa bahay nila kasi wala ako kasama wala magtitingin sa akin incase kailanganin ko tulong lalo na nasa 3rd trimester nko. Todo effort na nga siya halos wala na pahinga kakatrabaho dahil hinahabol din niya maregular tapos ganun pa sasabihin nila. Pinapabayaan lang daw ako. Naiistress ako. Ayoko mastress pero yun nangyayari. Dko na alam gagawin ko.