CS and Normal Delivery

Bakit ganun? Ang dami nagsasabi masakit yung CS? Pero yung mga nakakausap ko na na CS sinasabi na hindi naman daw. Mas masakit pa daw mag labor? Yung pain daw pagkagising after ma CS tolerable naman. Share niyo naman po experience nyo hehe. Di ko pa po kasi alam kung pwede ako mag normal delivery or baka CS na ako. Coil cord po kasi si baby, pero single lang naman. Sabi ni OB kung mahaba ung cord, pwede bila mahila pababa at mag normal ako. Pero dipa po sure e. Malalaman pa 2 weeks before ng due date ko. So, gusto ko iready sarili ko sa CS or Normal ?

42 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Cs ako nong may 16, 2020 para sa aken hindi naman cya masakit yung pag tusok sa likod parang kagat lang ng langgam tapos mga seconds lang yun hindi kana makaka ramdam dahil sa anestesia.. after ka lang maka ramdam pag nawala na yung anestesia pero carry lang naman yung sakit after 3 days wala na.

Same tayo sis na naka cord coil din baby ko.. 27 pa edd ko pero nung ie aq ng ob ko nung nov 6 1 cm na ako, ngayon 1cm pa ulit di nagbago as per may ob kaya naman daw inormal pag ganyan kaso yung ob ko nasa manila pa hehe 3 days na aq labor na walang pain and contraction ikaw din ba?

Depende nmn yan mamsh.. Kasi sa akin Cs ako pero wala akong maramdamang sakit kahit ininduced labor pa ako depende ksi yun sa position ni baby. Sa akin painless lahat khit sa epidural. 😌 Post op na yung masakit pero tolerable nman. 1week cs na ako nkakagalaw na dn.

Na-cs ako sa 1st baby ko mamshi ng 2:15 pm. Kinaumagahan nakaupo at tayo na ako syempre may binder po ah. Siguro psychological lang yan kasi yung kasabayan ko dati jusko 3 days na nacs hindi padin nagalaw 😂 mas maghihilom agad kapag nagalaw kana (hindi biglaan)

NSD And CS na expirience ko . mas mahirap mag normal pero mas worth it . kase pag CS ka hirap magpagaling di nga masakit mag CS pero pag katagalan kikirot paden magaling na ung sugat sa labas pero may kirot paden sa Loob mas gusto ko padin normal .

Masakit qng sa masakit ma CS,,, hindi makakilos ng agad ng maayos,,, masakit ang tinahi,,, makirot,,, ingatan ang sugat,,, pra iwas infection,,, mas maganda p dn daw ang normal delivery kc mabilis makarecover,,, unlike s CS hindi ganun kabilis makarecover,,,

Momsh mas mainam yung nsd kesa sa cs kasi katapos ng labor yun na yun unlike cs sabi ng mom ko hanggang ngayon minsan kumikirot pa din yung tahi nya. Single cord loob din ako nun nailabas ko ng normal. Basta lagi lang bantayan movement ni baby 😊

Parehas po masakit hehe. CS po ako pero dumaan sa Labor pains. Hindi kasi bumababa si baby. Kaya Emergency CS ang nangyari kasi baka humina daw po si baby. Thanks to God at pinaCS agad namin kasi it turned out na loop cord si Baby ko. 🙂

Nag labor ako for 16 hours induced pa un end up na CS din. Kaya d ko na alam saan mas masakit. Nahirapan ako sa labor pero nahirapan din ako sa CS kaya for me same sila mahirap. Mashirap lang ata sa CS kasi mahal ang babayaran mo.

CS po ako sa 1st baby ko ECS kase pumutok na yung panubigan ko pero close cervix pa at manas din ako at highblood 🤣 for me okay naman walang pain after mawala ng anesthesia yon may konting pain pero tolerable naman :)

4y trước

iLang weeks ka po nung pumutok panubigan mo? nagmamanas nadin kasi ako,tas tumataas din bp ko..kaya need imonitor ang bp..im 34 weeks na tomorrow.kaya natatakot ako kasi bka bgLa ako mapaanak ng maaga dahiL sa bp ko..😢