CS and Normal Delivery
Bakit ganun? Ang dami nagsasabi masakit yung CS? Pero yung mga nakakausap ko na na CS sinasabi na hindi naman daw. Mas masakit pa daw mag labor? Yung pain daw pagkagising after ma CS tolerable naman. Share niyo naman po experience nyo hehe. Di ko pa po kasi alam kung pwede ako mag normal delivery or baka CS na ako. Coil cord po kasi si baby, pero single lang naman. Sabi ni OB kung mahaba ung cord, pwede bila mahila pababa at mag normal ako. Pero dipa po sure e. Malalaman pa 2 weeks before ng due date ko. So, gusto ko iready sarili ko sa CS or Normal ?
For me pareho lang syang masakit, kasi naglabor din ako before ako i-schedule ng cs, though sandali lang, I have a special case kasi na hindi ako pwede maglabor kaya scheduled cs talaaga ako, naramdaman ko maglabor saglit lang pero sa pain na naramdaman ko I think super hirap kung pasakit ng pasakit until manganak ka kasi masakit na maglabor masakit pa umire kaya mahirap din mag normal for sure. And I can't say naman na mas painless ang cs sa normal kasi from what I experienced, kahit may anesthesia ako while I was in the operating room gising kasi ako, and I don't know if how many times I've fought for my life when I felt like mawawalan na ko ng malay because of the operation dahil sarili ko ding katawan yung pwedeng sumuko dun, I just managed to fought for it every single time na mararamdaman kong parang nawawalan na ko ng hininga and nakikita kong humihina na ang heartbeat ko at bumaba na ang blood pressure ko while they're operating on me. So for me, walang mas masakit or mas madali, "Mahirap ang manganak." Advantage of normal delivery, mabilis magheal and can still go back to the normal life after giving birth depende sa tolerance at katawan mo, Cs is I think mas mahirap after manganak kasi gusto mo na kunilos ng capacity ng katawan mo like before pero lagi mo iisipin na may scar kang dapat alagaan kaya di mo pwede gawin ang madaming bagay, and some things need mo na bitawan for life kasi di mo na pwede gawin kasi operada kana. It's just an advantage and disadvantage thing. Pareho syang masakit at mahirap for me.
Đọc thêmSame lang po Mommy parehas lang po nag le labor ang cs at normal ang pinagkaiba kc nyan pag need muna ics hihiga ka nlng at qqnin c baby d muna need umire pa ndi katulad ng normal na tuloy tuloy ang hirap hanggang mailabas c baby mali po kc nasasabi nila sa share nila dto operasyon ung pagkakaiba nyan pero lahat mapa cs o normal dadaan ka sa pag le labor un ung snsbi nila mahirap keso cs o normal😊 para skin ok lang normal kc after nmn ng hirap makikita qna c baby 9 months q nga tiniis ung isang gabi lng na tiis dq pa makakaya syempre mas kaya qna un lalo na excited kna makita c baby kasama lang prayers dun🙏🏻😊💜 Isa pa palng kondisyon dyan is after mo manganak mas mahirap kalagayan ng cs kc dhil sa tahi na gnawa sa knya pde bumuka ulit pag d mo inalagaan at alam q a years bago ka magpa buntis ulit bsta delikado pag napabayaan d katulad ng normal kunting tahi lang sa hiwa ng pwerta wala pa 1 min tapos na tahiin at hihilom agad yan within 24 hrs tapos normal kana ulit kaya mas gsto q ang normal😊😊😊
Đọc thêmFor me mas mahirap ang Normal kasi magle labor ka depende sa progress yung iba naii stock sa kung anong CM sila at yung iba naman madali lang mag move yung progress may mga inaabot ng 3days or 24hours or 48hrs. Once na in labor kana kapag 4cm ka palang ramdam muna yung sakit na parang gusto mo sumampal pero ang pinaka malala pag umakyat na yung CM parang gusto muna ilabas yung bata sa sobrang sakit at maiisip mung ma CS nalang. Ako CS ako, tolerable yung sakit pero ang naramdaman ko nuon yung tinurok nila sa likod ko masakit kasi yung anesthesia kaya napaigtad ako ng kunti kahit dalawa sila nakahawak sakin pero once na hindi kana nila tinurukan ng pain reliever at tinanggal dextrose mo, dun mo mararamdaman yung hapdi lalo na paglalakad kasi parang yung gravity nasa may sugat mo sobrang bigat parang may binubuhat kang ilang toneladang bato. Pero mas maganda parin pag CS talaga kahit matagal magrecover.
Đọc thêmTingin ko po same lang na mahirap o masakit ang normal delivery at cs, base on my experience po cs ako first time mom sobrang sakit ng labor hindi ko makalimutan yung sakit until now pag naalala ko parang nakkita ko sarili ko noon habang nag lalabor, dagdagan pa ng turok ng anesthesia sa likod sobrang sakit talaga ang hirap. Tapos yung recovery mo pa matagal dn sakin inabot ng 1 month bago ko nakakilos ulit ng normal lagi akong dahan dahan nun sa pag lakad, pag kilos ksi ramdam ko yung sugat ko na parang bubuka lalo pag nababahin at nauubo o tatawa, plus effect pa ng anesthesia sa katawan na parang bugbog yung katawan mo sa sakit. Pero after that po naging normal ndin ulit lahat. Now parang walang nangyare normal na normal na meron nga lang scars. :)
Đọc thêmIba-iba po kasi yung pain tolerance ng bawat isa. Meron mababa ang tolerance and meron din mataas. Masakit yung process ng pag labor pero yung recovery is fast. You can consider going thru painless normal delivery and you can discuss with your OB. Sa CS naman of course there is anesthesia used and pwedeng conscious or unconscious ka upon birth ni baby. It is still case to case basis pa din. Matagal din recovery ng CS plus use of anesthesia has some long term effects din. Practical wise, mas mura mag normal delivery kesa CS. As long as wala naman complications, normal delivery is the best option. Priority is safe delivery for you amd your baby. Feel free to talk to your OB kung ano mga concerns mo regarding birth options.
Đọc thêmAko po first time mom, nas cs po ako dahil hindi bumaba si baby never ko po naexperience mglabor kaya hindi ko po alam hahaha pero share ko na din experience ko sa cs, ok naman po ako after 1 week pero syempre need ingatan yun tahi ksi sabi nila dipa magaling sa loob, after ko na cs maskit tlga yun tahi pero natotolerate ko naman po yung kirot yun nga lang hirap tumayo at gumalaw, need kopa help ni hubby para makapunta cr dahil di pako makatayo nang maayos, pero nung dinala na sakin c baby ok naman na po naalagaan ko naman sya nwala sakit na naramdaman ko, hehehe and after ko madischrge from the hospital nakaligo din po ako basta may plaster yun tahi. Ngyon ok naman na po ako nkakapagzumba na din hehehe
Đọc thêmAko sis parihas ko naranasan yan normal and cs para sakin mas ok ang normal kaysa macs ka, oo masakit maglabor pero mabilis ka nman makakarecover pero ang cs mahaba haba na process ang gagawin sayo sa paginject pa lng ng anesticia sobrang hirap na sa una di mo mararamdaman yung pain ng pagtahi sayo dahil sa anesticia pero oras na mawala yung epecto ng anesticia mapapaiyak kna lng sa sakit.. kasi mararamdaman mo na parang naglalabor ka din humihilab yung tiyan mo, kung ako lang gustong gusto ko talagang inormal panganganak ko pero dahil di kaya ni baby kaya nacs ako, pinagalitan pa ko ng doctor nun kasi pinipilit ko na magnormal pero di talaga kaya ni baby kasi humihina na tibok ng puso nia
Đọc thêmDepende yan monshie joana sa reason bt ka naCS, OB mo ang dapat kausapin mo about diyan. ECS ako before pero pwede daw ako normal ngayon.... Pero dedepende na yun kay baby at sa sitwasyon niya
Siguro depende sa tao, ako CS gising ako along the process ung pakiramdam d ako nasaktan nung tinurok ako ng anesthesia.. Manhid lower body ko, dhil gising ako ung feeling habang kinukuha nila c baby, prang ung gumagalaw lng c baby sa loob,.after nun nung nasa room na ko pagkagising hilong hilo ako umiikot lahat kaya halos 1 day ako tulog lng.. Aftr that dun na nafeel ko na ung pain halos nangi2nig ako sa sakit.. Bkit ung magaling kong nurse nakalimutan ako painumin ng pain reliever.. Nag wear off na ung anesthesia.. Peo totoo ung sabi nila na lahat ng pain nawawala pag nakita mo na c baby.. Kaya laaht ng pain na naiisip mo ngyon kaba at takot mawawala lahat yan..
Đọc thêmako po muntik ng ma CS pero pinagpilitan po ng mother ko na kaya ko daw po. thank God at nairaos ko po via NSD. base po sa mga kakilala ko din na na-CS ok naman daw tolerable ang pain, pero minsan masakit daw ang tahi pag malamig, yung iba ok naman. pero para po sa akin na Normal Delivery, opo masakit maglabor, masakit sa katawan lahat na heheh pero after po ng ilang weeks ok na naman. And ang pinakapinagpapasalamat ko ay kung ano po ang kaya kong gawin nuon ay nagagawa ko padin ngayon.. katulad ng pagbubuhat ng mabigat.. bukod diyan mas less ang expenses kapag normal delivery compare to CS..
Đọc thêmAko po sa baby boy ko is normal delivery ako, di xa masakit kasi hindi ako nahiwaan, liit kasi si baby.. Sa baby girl ko naman is CS ako, cordcoil din kasi si baby.. Sabi ng OB ko, nakasabit daw yung pusod nya sa isang paa nya kaya di xa bumababa.. Di ko naman naramdaman yung pain kasi pinatulog ako while operation taz nagising na lang akong nasa room na ko.. Ang kaibahan lang po kasi kapag CS ka is hindi ka nakakagalaw masyado kasi kailangan mong ingatan yung tahi mo, may tendency kasi na baka bumuka at mainfect.. But all in all tolerable naman..
Đọc thêmYun din po ang di ko maintindihan ei kasi the day before ako nanganak, nagpa ultrasound pa ako at ang sabi normal naman position ni baby and all.. 10pm po kami dumating ng hospital kasi kumikirot na ang tyan ko, tapos IE kaagad nila ako and all the pasakit sabi 4cm pa daw.. At 4am 8cm na.. Yung mga nurse lang nag aasikaso sakin taz super hina ko na po kasi walang tulog tapos labas na halos lahat ng dugo at panubigan ko pero wala pa rin yung OB ko.. May nilalagay pa silang parang monitor ng heartbeat ni baby which is kapag nilalagay nila sa tyan ko mas lalong sumasakit.. 10am na dumating si OB, sa sobrang hina ko, alam ko di ko na kakayanin pang umiri kaya nagpa CS na lang ako.. After nun sinabi ng OB ko na cordcoil daw si baby, na yung pusod nya is sumabit sa ankle nya.. Halos lahat din ng client ni OB puro CS.. So ayun sobra 100K nagastos namin sa hospital with philhealth pa po yan..
Badass Momma