CS and Normal Delivery

Bakit ganun? Ang dami nagsasabi masakit yung CS? Pero yung mga nakakausap ko na na CS sinasabi na hindi naman daw. Mas masakit pa daw mag labor? Yung pain daw pagkagising after ma CS tolerable naman. Share niyo naman po experience nyo hehe. Di ko pa po kasi alam kung pwede ako mag normal delivery or baka CS na ako. Coil cord po kasi si baby, pero single lang naman. Sabi ni OB kung mahaba ung cord, pwede bila mahila pababa at mag normal ako. Pero dipa po sure e. Malalaman pa 2 weeks before ng due date ko. So, gusto ko iready sarili ko sa CS or Normal ?

42 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

ECS din ako , diko naexperience maglabor kase after pumutok ng panubigan ko ako na agad ang kasunod sa OR .. then tinurukan na ko agad ng general anesthesia good for 1hr lang yung anesthesia pag nasa recovery room kna dun mo na mararamdaman yung kirot at dika mapakali kase sobrang kirot sa una pero once na nakaya mo na yung kirot ppalabasin kna agad sa recovery room 😊 basta pag nasa OR o DR kna magpray ka lang then relax wag mag isip ng negative para mas mapadali yung panganganak mo 😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ako po CS ako sa anak ko po last 2013. Ung pagtusok lng po ng spinal anesthesia ang msakit pro nd ka nmn po gagalaw after nun nakastrap po ung both arms nyo po. Start ang operation ng manhid buong katwan nyo po. Depende kung patutulugin kayo habng inopera pro ako po pnatulog lng ako nun nrinig ko na ung iyak ng baby ko. After operation nman po. Binder lng po at unan ang remedy ko sa bglang ubo o hating. Un po ang mjo msakit. Pro sa mismong opera, nd po tolerable nman.

Đọc thêm

Naexperience ko n both Normal and CS.. Sa normal delivery kc masakit maglabor tpos syempre iire k para mapush ung baby. Lahat ng veins mo gumana on giving birth. Sa CS naman masakit ang after operation. Nanginig paa ko nung nawala effect ng mefenamic acid. Kala ko d n ko makakalakad nun. Mahirap kumilos s both CS and normal kc s normal iisipin mo ung binat. Sa CS mas iisipin mo ung sakit ng sugat mo. Un lng naman experience ko. hehehe

Đọc thêm

Yan din insight ko. Nagtry ako magnormal pero ayaw talaga mag open ng cervix ko kaya nauwi ako sa CS. And nasabi ko din sa sarili ko parang mas ok pa ang CS. Grabe kasi yung sakit na naramdaman ko nung naglalabor ako. Masakit yung after operation pero yung healing almost 1week ko lng ininda yung sakit kung iisipin same lang din kung sakali nagnormal ka at nagkatahi, magpapagaling ka din nman. After 2 days nkakalakad lakad na din ako

Đọc thêm

ECS ako nung May6, momsh. Hindi masakit during operation since pinatulog na nila agad ako. Even yung injection sa likod hindi ko naramdaman.. After operation medj masakit lang since nagwear out na yung anesthesia, but yup. Tolerable yung pain kung malakas pain tolerance mo. Also, hindi mo na iintindihin yung procedure kapag nasa moment ka na. 😅 Goodluck momsh!

Đọc thêm
Thành viên VIP

Mamsh kapag cs ka oo di nmn masakit kapag bagong cs ka pa lang pero kapag malamig ang panahon masakit yung mismong pinagtusukan sayo sa likod at ang tahi kahit gaano pa yan katagal. Ang normal masakit kasi naglalabor ka pero worth it nmn lahat ng pain kapag hawak mo na si baby 💕Cs ako ng 2 beses di na pwedi magnormal kasi puputok daw matres ko sabi ng ob.

Đọc thêm

For me po mas okey yung Normal delivery, 10 hours ako naglabor , Grabe parang gusto ko na bumigay nun. Pero kapag nandyan na si baby grabe worth it lahat ng sakit na naranasan mo, kapag ipinatong na sya sa dibdib mo, sobrang sarap sa pakiramdam . Kapag Normal Delivery ilang weeks lang okey na yung tahi mo. Makakarecover ka kagad. ♥️😊

Đọc thêm
Influencer của TAP

Sa 3 kong anak na boys normal lahat, napakasakit ng paglalabor.. at etong bunso ko emergency cs ako, breech kasi at cord coil, hindi ako natakot ma cs, after ng cs kona na feel na mas masakit yata dahil syempre na opera ka,.mas matagal maghilom, para sakin kahit masakit ang pagle labor mas gusto kopadin ang normal na manganak.

Đọc thêm
Thành viên VIP

ECS din ako ngpcheck up lng tapos sabi mhina heartbeat ni baby yun dretso agad sa hospital..surprise😂okay naman po masakit lang after mawala ang anesthesia,s Wag ka lang lalamya lamya kasi matatagalan ang recovery mo..para sakin mas maganda ang horizontal cut(bikini cut) madaling maghilom at hindi halata ang tahi..

Đọc thêm

Ako nag Labor na na-CS pa. 1month and 12 days na nakakalipas pero still recovering pa din, tagal mag heal ng tahi ko, limited pa din kilos ko. Maproseso CS daming inject, after mawala Anesthesia makirot yung tahi. Bukod sa masakit na, masakit pa sa bulsa lol. If ano po advise sayo ng OB mo yun sundin mo.

Đọc thêm