17 Các câu trả lời
sakin po Thank you Lord mabait asawa ko now na lalaki ang baby namin sya pinagiisip ko ng name at pagusapan namin dalawa ang mapipili at nakakatywa kasi may meaning ang names na nakuha nya sya din nagcombine ng mga names hehe.. tapos panay bili nya sa akin ng mga damit para breastfeeding at mga gamit namili na din kami since puro girls mga anak namin na 2 na una.. palagi nya priority ang pamilya nya.. sa case mo po kausapin nyo po kaya ang asawa nyo kasi kung ganyan baka naman po may problema sya di nyo lang po alam minsan po kasi mga lalaki di rin natin alam ang mga dinadala nila kaya may times mainit ulo nila pero tha k you Lord di ko po naranasan yun sa asawa ko kasi di nya sinasabi ang probs nya minsan sa work pero ako nararamdaman ko yun kaya ako na nagaapproach sa kanya para tanungin if may probs sya.. baka kulang po kayo sa communication at ng asawa nyo..dapat po kasi paguusapan jyo palagi po.. diko don po alam or namin dto sa group natin sa community natin syempre po kung ano lang po ang nashare nyo yun din lang ang cocommentan namin pero look at the other side po baka lang may probs po kaya ganon.. siguro po mas kilala nyo po ang asawa nyo po.. nawa maayos nyo po at ma-i communicate nyo ng maayos ang mga worries at mga hinanakit nyo sa isat isa..mahirqp po mag advice po lalo lang po lalaki ang gulo or probs nyo mag asawa po.. nakikisimpatya po kami sa inyo pero try to fix everything po with proper communication po dapat..God bless po
relate aku jan ung ex live in ku ganyan na ganyan kahit nanganak na lng aku walang biniling kahit isang gamit buti mabait pa dn si lord saming mag iina nakaraos kmi ng maayus kahit ni isang kusing wala mas priority pa nia ung barkada at kung anu anu pa haisst di rn aku nakatiis iniwan ku sa awa ng dios nakatagpo dn aku ng lalaki na subrang kabaliktaran duon sa ex ku responsable at may takot sa dios at itu buntis dn aku sa anak namin ng hubby ku ngayun nakakatuwa lng kahit nsa tiyan pa si baby kibakausap na nia at kinikiss at tuwang tuwa xia pag nagalaw,kaya kung aku sayu sis kausapin mu asawa mu kung dpa magbago hindi pa huli ang lahat wag mung sayangin buhay mu sa isang toxic na relations ikaw lng mag dudusa nian ,keep praying sa taas na malampasan mu yan 😊
kausapin nyo po asawa mo kc hnd po maganda ung ganyan .. thanks to god at mabait ang asawako at mas lalo na nung nabuntis ako napaka interested nya lalo na mag sumikap at excited sya lagi saming mag ina lalo nasa tyan pa lng c baby lalo kapag nalikot sa tyan inaabangan nya lagi kinikiss pa at kinakausap saka mas inuuna nya ung important needs namin at sa baby kesa aa ibang bgay ..at sobrang happy pa nya lalo kc nanganak na ko tuwang tuwa sa anaak nmn napakaresponsabling asawa at ama.. kausapin nyo po asawa nyo regarding sa hinanakit at nangyayari sa inyo ngaun bka dun nya marealize na mali ginagawa nya ..
usap kayo mommy. unawain mo hanggang maaari pero wag mo hayaang paglipasan ka na ng panahon. kasal man kayo o hindi, hindi kasalanan na umalis sa toxic relationship. sa panahon natin ngayon, sa dami nang pwedeng mangyari, hindi tama na inaaksaya natin ang buhay natin kasama ang maling tao na puro sakit lang dulot sayo. hindi sapat ang pagmamahal sa lahat ng pagkakataon at sitwasyon.isipin mo nalang kung ganyang tatay ang gusto mong kalakihan ng bunso mo. kasi yunh panganay mo, baka kuntento sya sa tatay niya dahil di niya alam na may pwede pa syang makuha na sobra sobrang pagmamahal sa iba.
yung asawa ko din naman hindi perfect. pero binibigay niya lahat sa abot nang makakaya niya. yung cake roll na matagal ko nang hinihiling, kagabi lang niya nabigay kasi masyado kaming madaming gastos nitong nakaraan kasi huminto ako sa work ng ilang buwan. pero as soon as nakapag withdraw sya after sweldo, dumaan agad sya sa goldilocks para bumili ng cake ko kahit di ko na pinaalala sakanya. yung mga ganong simpleng bagay ay deserve nating lahat. never accept that you deserve less kasi you will always be worth it to someone na mahal na mahal ka
Ang asawa ko po sanay na si mama niya lagi tinatanong kumusta siya, work and all. Kaya ako din tuwing uuwi siya kinukumusta ko siya, nagkwekwentuhan kami at nakikimarites ako sa mga katrabaho at kaibigan niya. Kapag nagpapahinga magkatabi kami kahit na magkaiba naman ginagawa namin at tska tinatanong ko siya kung ano mga pinapanood at binabasa niya. Kapag magwork may ritual kami hugs ang kiss sa lips at di mawawala si I love you, pagdating niya masaya siya kapag sinalubong mo siya. Tska lahat pinaguusapan namin pati kapag naiinis na ko sa kanya.
i feel you momsh, ganyan din ako kay hubby, pag sinabi ko na ay tignan mo ang likot ng anak mo sa tsan ko, tatawa lang sya tas wala na, di man lang nya hahawakan tsan ko, first baby pa namin to after 3 years baby boy, pero sa nakikita ko mas mahal pa nya yung pamangkin nyamg 1 year old girl lahat ng atensyon binibigay nya sakanya, minsan sa sobrang libang nya sa pamangkin nya, di na nya kami napapansin kaya magkukulong nalang ako sa kwarto, hay ang hirap ng feeling ng may kahati
kung di na maayos mas magandang magsimula ng bagong buhay na hindi sya kasama. tapos idemanda mo pag di nagsustento. pasenxa na sis, pero ang hirap sa loob ng ganyan na ang hirap hirap magbuntis, magpamilya na binuo nyo naman dalawa pero parang nag iisa ka lang.
kaya momshie, wwag kana po pabuntis. if my work kanaman po. then leave. hayaan nyo po sya. Kayo nga hindi nya naisip . Whats the reason for staying? Just saying lang po. my opinion lang.
magbago na yang asawa mo kamo. bantaan mo kapag di sya nagbago iiwan mo sya. kung ako nasa posisyon mo di bale ng maginh single mom kesa makasama yung ganyan, kaurat kaya.