Bakit ganito?
I’m a mom of two, a working mom, at wala kaming katulong sa bahay. Weekdays, gumigising ako ng 4 AM para asikasuhin ang mga bata, ihanda ang mga baon nila at ng husband ko, at pagkatapos ay papasok na rin ako sa work. Three days akong office-based at two days WFH. Around 6–7 PM na ako nakakauwi, depende kung swertihan sa traffic.
Pag-uwi ko, hindi pa tapos ang araw ko. Magluluto ako ng dinner, maghuhugas ng mga pinagkainan, mag-aasikaso ng mga bata, at kung anu-ano pang kailangang gawin sa bahay. Usually, 10–11 PM na ako nakakatulog.
Kapag weekend naman, maaga pa rin akong gumigising para maglaba, maglinis, magluto, at maghanda ng pagkain para sa buong pamilya. My husband works too, so pareho kaming may trabaho, pero honestly, madalas sobrang pagod na ako—physically, mentally, and emotionally.
Kaya kapag tumatanggi ako sa sex dahil kailangan ko ng tulog at pahinga, hindi naman ibig sabihin na ayaw ko sa husband ko. Minsan, pagod lang talaga ako at kailangan ko munang makabawi ng energy. At kapag WFH naman ako at mas may time at energy, binibigay ko rin naman sa kanya.
Ilang beses na siyang nababanas kapag tumatanggi ako, hanggang sa napag-usapan namin at nagkasundo kami na intindihin ang isa’t isa. Kaya akala ko okay na.
Pero bigla na naman siyang nag-aya sa isang pagkakataon na sobrang pagod ko—mentally, physically, at emotionally. Nang tumanggi ako, parang bigla niya akong hindi kinibo. Parang hangin ako. Kapag may inuutos, ginagawa ko. Kapag may tinatanong ako, parang hindi niya ako naririnig. Ang sakit lang sa loob.
Hindi naman ako yung taong laging may oras para mamasyal, gumala, o lumabas. Sa totoo lang, halos bahay at trabaho lang ang mundo ko. I’m constantly taking care of our kids, our home, and our family.
Kaya ang tanong ko lang: Bakit parang kapag sex ang hindi ko maibigay sa oras na gusto niya, nag-iiba agad ang pakikitungo niya sa akin?
Hindi ko naman hinihingi na intindihin niya ako sa lahat ng bagay. Gusto ko lang sana na kapag sinabi kong pagod ako, respetuhin niya iyon—without making me feel guilty, ignored, or punished for saying no.
Kasi hindi naman ibig sabihin na kapag tumanggi ako, hindi ko na siya mahal. Minsan, kailangan ko lang talaga ng pahinga. Sana maintindihan niya na bago ako maging asawa, nanay, at partner, tao rin ako na napapagod at nangangailangan ng tulog, pahinga, at pang-unawa.
Anonymous