Kung prutas/gulay ang inyong anak ano sya at bakit?
"Bakit ang hirap pakainin ng anak ko?" Madalas natin ito marinig sa mga kapwa Nanay natin. Bakit nga ba mahirap pakainin ang mga anak natin, lalo na kung gulay ang ulam? Ito ang mga ilan sa natutunan ko para maiwasan ang pagtanggi ng mga anak ko na kumain. 1. Maging malikhain pagdating sa pagkain. 2. Ihalo sa ibang pagkain ang mga hindi nila gusto. 3. Isali ang inyong anak sa paghahanda ng pagkain. 4. Maging matiyaga at huwag pilitin ang bata. 5. Kausapin ang inyong anak upang ipaliwanag ang iba't ibang benepisyo ng pagkain, maliban sa lasa nito. Isa din sa paraan para makumbinsi ko ang mga anak ko na kumain ng mga prutas at gulay ay ihain ito ng maliliit na piraso. Makatutulong rin kasi kung mas madali nila ito makuha at makain. Ever since na mag start si Iñigo mag solid foods lahat talaga ng prutas at gulay ay ini-introduce ko sakanya, kaya naman hindi ako hirap pakainin sya ng kahit ano sa ngayon. At mas gusto pa niya na sya mismo magisa ang kakain. Kung prutas/gulay ang inyong anak ano sya at bakit? For me si Iñigo ay saging/banana, favorite nya yan and Im sure favorite din ng lahat ng kids😊 Lets eat healthy para makakaiwas pa sa sakit at syempre mas magiging protektado ang lahat kung tayo ay bakunado. 💪 #BuildingABakunation #TeamBakuNanay #theAsianparentPH #VIParentsPH #ProudtobeBakuNanay #VaccinesWorkforAll #HealthierPhilippines #AllAboutBakuna