foods
hirap pakainin ng vegetables ang mga anak ko ... anu kayang mgandang gawin or panu kya cla mapapakain ng gulay
Ilang taon na sila momsh? Kasi ako ang technique ko ginagawa ko siyang patties. Ginagadgad ko halimbawa combination ng carrots, sayote tsaka patatas. Titimplahan ko lang ng konting salt and pepper tapos egg. Tapos ipiprito ko. Di nya alam gulay na kinakain nya 😄
Ilang taon na po? Ako po wala pa naman po akong baby, padating palang po. Pero base po sa pagaalaga ko sa pamangkin ko, ang ginagawa po naming "ukoy" yung gulay. Try niyo po yung kalabasa, langka, puso ng saging or kahit magimbento po kayo.
Pwede po ihalo sa rice nila. Palambutin lang yung rice parang lugaw na tuyo na my kasamang mga gulay like talbos kamote, kangkong.
Ihalo sa ibang food na gusto nila, pwede i-grate ang hard veggies para lumiit tas ihalo sa ibang ulam or rice
Imash mo mamsh tapos ihalo sa food nila para hindi pansin na veggies yun
ihalo mo lang po
@homeboundmomph, mom of 1 cute little boy