Unwanted Pregnancy.
Hi, bago kayo magalit sakin. Ndi sa pinipilit kong tanggapin yung baby ko, Blessed ako na may baby nako. Magulo ba? Basta di ko maintindihan yung pakiramdam ko. Para nakong nababaliw. Ayoko maramdaman ni baby na ayaw ko. Sa knya, natatakot at napapagod lang kasi ako ? sobrang takot ako manganak, sa totoo lang. At feeling ko, di pa ko handa maging mommy ? pero love ko to si baby. Minsan nga lang naiinis ako na natatakot na di mo maintindihan, advice naman jan. Down na down nako ?
Alam mo sis ako nung nabuntis ako 15y/o lang ako at kakasixteen ko lang nung nanganak ako. At isipin mo 2days and a half akong nagli-labor. Matigas kasi ang ulo ko e kaya nahirapan akong manganak ng normal delivery mas takot akong manganak nun kasi bata pa ako nun. Pero imbis na puro kaba yung maramdaman ko nun punong puno din ng excitement. Pero di ko naman tinatanggi na mas mahal ko nun boyfriend ko kesa sa baby ko I mean mas matimbang pagmamahal ko sa bf ko nun pero alam mo nung lumabas yung baby ko dun ko narealize na totoo pala yung love at first sight na mahal na mahal ko pala ang baby ko walang hihigit sa pagmamahal ko sa kanya. Nagsisisi ako kasi habang nasa sinapupunan ko sya napaparamdam ko sa kanya yun. Para mabawasan ang kaba mo sis bawasan natin pagiging matigas na ulo makinig tayo sa payo ng matatanda like na maglakad lakad tas magpatagtag pag malapit ka ng manganak kasi ako nun mataas pa ang tyan ko e kaya ang tagal bago bumaba ng baby ko. Kaya mo yan mommy at iparamdam mo yung pagmamahal mo kay baby kausapin mo sya na tulungan ka nya at wag kang pahirapan sa panganganak. Kaya ngayon sa 2nd baby ko minsan nai-stress ako pag malungkog ako bigla syang gagalaw kaya napapasaya nya ako tas yun makikipaglaro nalang ako sa kanya kakausapin ko sya hihimasin tas kakantahan. Kaya makakaya mo yan sis. 😊😊
Đọc thêmI feel you. I'm 25 na at first time mom din. Nung una kong nalaman na buntis ako ay 11 weeks na ko, sobrang nadown ako sis. Please don't judge. Naawa kasi ako para sa baby ko. Walang stable na trabaho ang boyfriend ko, nasa stage pa kami na muntik na kami maghiwalay. Hindi ako employed. Hindi rin ako gaano kumikita sa freelance work ko. Kung kumita man, pangsarili lang talaga. Una ko naisip, pano ang mga gastusin para sa pangangailan ng bata? Mga ganung bagay. Likas kasi ako na pessimistic. Pero alam mo yung bagay na narealized ko? Okay lang na mawala yung boyfriend ko. Kasi may baby na ko. Sa kanya ko ibubuhos yung pagmamahal ko. Na si baby na ang buhay ko ngayon. Through prayer and faith sis, okay naman ngayon. Di naman kami natuluyang magkahiwalay ni boyfie. Sobrang supportive niya at lalong naging sweet. Haha. Think positive lang. Magiging okay din ang lahat. Nakaya ko nga kahit puro trials e. Ikaw din syempre. 😊
Đọc thêmSabi nga ni vice ganda kahapon sa contender ng tnt , na nawalay sa anak nya for 11 years kasi need nya magwork to provide the needs of her baby .. Sabi nya kasi aksidente lang daw pagka buntis nya and di sya pinanagutan ng lalaki .. Sabi ni vice kung di namn pala ready wag na gumawa ng anak kasi yung bata ang nahihirapan tapos bandang huli sa magulang mo ipapa alaga yung anak mo kasi kailangan mo magtrabaho eh kung tutuusin di namn sila ang ngpakasarap sa sex tapos sakanila ang obligasyon .. hahay Kaya ikaw momsh wag ka mag isip ng kung ano2x..at dahil nabuo yang baby mo ibig sabihin ginusto mo yan Kaya wag tayo paka ipokrita para sabihin na dipa ready kasi the moment na nagpapatong ka sa jowa mo asahan muna na magkaka obligasyon ka once nakabuo kayo .. Just saying
Đọc thêmNormal lang yan momsh. Pagdaanan mo lang. Mag isip ka ng tama. Hindi lang ikaw ang dumaan sa ganyang pagsubok. Dalawa lang yan, do what is right or wrong. Its still up to you. Maawa ka sa bata. Kailangan ka nya. Alam kong masakit. Sobraaaaaa! Depressed ka ngayon, I know how it feels. Iiyak mo lang lahat. Anxious yes, stressed and insecured yes. And that's normal. Let it all out! Just let it out, its fine. Nothing could ever help you but yourself. Nagkamali ka man, siguraduhin mong itatama mo yun. Eto ung pinaka down na part ng buhay naten and make sure this will be the greatest lesson in life. God bless and stay strong! Love kayo ni God! ❤
Đọc thêmMahirap magbuntis pero mas mahirap pag nanganak ka na. Puyat, pagod at lungkot ang kalaban mo lalo na pagkapanganak mo. Kasama mo ba si bf or si hubby? If oo, maganda na maishare mo sa kanya yung takot mo and para magtulungan kayo sa haharapin nyo. Tsaka sa family and friends mo na andyan, kausapin mo sila. Maniwala ka, mag open ka sa iba and matutulungan ka nila na gumaan pakiramdam mo. Pray ka rin palagi para gabayan ka sa bagong yugto ng buhay mo. Mahirap talaga, lalo na mababago na talaga ang buhay mo pero isipin mo nalang na pag may anak ka na, kakayanin mo lahat para sa kanya, kahit yung mga bagay na once akala mo na di mo kaya.
Đọc thêmI was 17 years old nung nagbuntis ako sa 1st baby ko.If you are too young,then prepare yourself for a big change in your life,everything happens for a reason sabi nga.Di ibibigay ni God sayo kung hndi dapat,so there’s a reason behind it. Just trust our God, so ready or not maging masaya ka ng buong puso,hndi man ganun kabilis since you did’nt expect that but trust me, when you get the chance to hold your baby everything will change.You will learn to Accept everything on the right time, so for now just enjoy and hayaan mo kung may mga marinig kang di maganda sa ibang tao.
Đọc thêmPakatatag ka lang sis. Ganyan talaga lalo na kung 1st time mom ka. Iwasan mo lang mag-isip ng kung anu-ano. Isipin mo si baby lagi kasi kung ano nararamdaman mo, ganun din siya. Huwag kang matakot sa mangyayari. Maging excited ka kasi magkakababy ka na. Lalo na may ibang mommy na hirap magkababy so sa'yo sobrang blessings yan. Pray ka lang lagi. Stay healthy and happy lang kayo. Huwag ka na mastress sis. Ganyan talaga pag buntis. Sa una lang yan na matatakot ka pero later on pag lumalaki na si baby sa tiyan mo masarap na sa pakiramdam. 😊
Đọc thêmSame sentiments. But at the end of the day, mas nananaig ung love para kay baby. Need mo lang ng moral support ng hubby mo. Ako everytime nabuburyo kasi mdaming nananakit sa katawan ko ngayon, at parang nangangayaw ako sa baby, pinakakalma lng ako ng partner ko. Ganyan talaga pag may takot ka. Try to overcome the fear. Enjoy each day of pregnancy kht mahirap. Baby mo nga lumalaban sa buhay kht maliit pa lang sya eh, bakit d mo dn gawin ung gngwa nya? Kaya mo yan mamsh. ☺
Đọc thêmSa una lang yan. Pag naipanganak mo na siya at nakita at lumaki sa tabi mo masasabi mo na lang na ang saya pala magkaanak nang katulad niya. Ganyan din ako sa 1st baby ko noon pero ngayon 5years old na siya sa darating na nov21. Makulit at matigas ang ulo pero sobrang sweet. ☺☺☺ Sana ikaw din, sana matanggap mo siya masarap ang may anak kahit nakakastress kung minsan sa kakaisip pano mo maibibigay ang best mo para sa kanya. Pray ka lang
Đọc thêmwalang kasalanan sayo si baby. consequence sya ng mga actions mo at ni hubby/bf. kaya learn to accept na nagkamali ka and move on. face the consequence. hindi naman ginusto ni baby na bigla na lang syang anjan. its normal to feel depressed sometimes pero dont dwell on it. and dont ever think na kasalanan ni baby kung bakit ganyan ang nararamdaman mo ngayon. ipagpray mong malinawan ang isip at damdamin mo na dawin ang tama. ask for guidance.
Đọc thêm