Myth or fact? Kasabihan "Don't Compare my Child" 1. Paano malalaman kung kulang o sobra sa timbang? Kung may benteng 1 year old na 10 kilos ang timbang tapos 5 kilos ang isang bata tingin niyo normal iyon? Ang bata kayang 1 year old na 20 kilos normal? Eh paano niyo naman malalamang abnormal ang 5 kilos niyong anak? Dahil cinompare niyo sa mga 10 kilos. 2. Paano malalaman kung delayed o may intellectual disability / retarded? Kung lahat ng kakilala mong 1 year old naglalakad na and iba tumatakbo na and ang anak mo nakahiga pa rin normal ba un? Di ka naman doctor so how would you know na may mali? again by comparing. 3. Paano malalaman kung may sakit? red ang lips ang sampung baby tapos blue ang sa baby mo? normal ba un? Kaya ang daming late detection ng mga sakit sa Pinas dahil maraming nagpopost sa fb ng ganyang kalokohan na "don't compare". Lagi bang abnormal kung hindi pareho sa mga ibang bata? NO!!! Minsan normal pa rin PERO at least pedia ang nagsabing normal hindi kapitbahay or fb strangers. Mas bata maumpisahan ang therapy mas mataas ang chance na maging normal pa ang bata. Sa kaka don't compare niyo, lumalala ang sakit tapos late na papacheck tapos kami ang sisisihin kung bakit parang walang effect ang therapy. Doctor lang ang may karapatang magsabi ng don't compare after niya macheck na talagang normal ang bata. Like my page for more tips: KidZ Health by Doc Zane -copy paste
For me nopee. Iba't iba ang development ni baby. More tummy time siguro