Week 37 Day 6

Baby Terrence EDD: July 4 via LMP, July 3 via Ultra sound DOB: June 18, 2020 via NSD Share ko lang po yung experience ko. 😊 Starting week 34 nagexercise na ko. Walking for hrs, 50-100x squats, prenatal yoga and stretching. Malaki daw kasi si baby 2.5kg na siya kaya nagdiet na rin ako. Week36-37, namaintain ko yung laki ng tiyan ko, nabawasan timbang ko, pinainom na ko buscopan and insert ng 2pcs eveprim 3x a day. At 37 weeks, 1cm na. June 17, 12mn nagfalse labor ako. Akala ko yun na kasi every 5 mins na yung sakit for 6hrs pero tolerable pa naman and walang discharge. Wala akong tulog nun, pero nung nag6am nawala yung contractions kaya nakatulog kahit papano. June 17, 8pm, nagstart na naman contractions. Hanggang 10pm tolerable pa pero nung nag11:30pm, nagdecide na kami pumuntang lying-in. Pagcheck 2cm palang kaya umuwi muna kami. Ang sakit na ng contractions every 3-5mins parang nahihiwalay na yung kalahating katawan ko. Pero tinry ko pa rin maglakad-lakad at magsquats kahit ang sakit talaga. 4am bumalik kami 4cm na, pinutok yung panubigan ko tas pagcheck nag6cm. Hanggang 6:30am sobrang tindi na ng sakit kaya pinasok na ko sa delivery room. 7-8cm palang kaya pinaire ako ng pinaire ng midwife practice daw habang papunta palang si doc. After 10mins nagfully dilated na ko. Dumating si doc at pagcheck konting ire na lang daw lalabas na si baby. So ire lang ako ng ire every contractions, nung palabas na ulo ni baby, hiniwaan ako sabay ire ng todo, baby's out 6:50am. FTM ako at sobrang hirap pala talaga pero sobrang worth it naman lahat ng sakit at hirap. Ang galing din ng midwife at doctor, kahit lying-in ako nanganak. Nakakaloka pa kasi pagtingin ko kay baby sobrang payat. Natakot pa naman ako kasi baka sobrang laki na niya kaya todo exercise at diet ako. Pinilit ko rin na mailabas siya ng maaga tapos 2.6kg lang pala siya at grabe yung hiwa sakin ang haba. Kaya sa mga moms na manganganak na rin dyan. Pray lang po tayo, gawin kung ano yung dapat gawin para sa safety natin at ng baby natin. Lakas lang din ng loob, makakaraos din po kayo😇

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan