Baby rashes on face
"Baby rashes on face" Normal po ba ito sa baby? Nag alala po kasi ako as a first time mom kaya hindi ako mapakali. May ointment po ba nito? Thank you.
Pwede bang magkapimples ang baby? Di alam ng marami ay normal sa baby na idad 0 to 3 months old na magkaroon ng pimples or baby acne. Kaya maraming nagtataka kung bakit maraming rashes ang baby na dapat ay makinis dahil nga baby pa. Ang baby kasi nung nasa sinapupunan pa ay nakakonekt ito sa nanay sa pusod. Lahat ng sustansya ay doon dinadaan papunta sa baby. Aside sa sustansya ay kasali rito ang estrogen na normal na hormones ng nanay. Kahit naputol na ang pusod ay may naiiwan na estrogen sa baby. Ang effect nito ay parang nagiging teenager yung baby, nagkakaroon din sya ng mga pimples na parang teenager. At di lang yun, yung dodo ng baby ay lumalaki rin at maniwala ka o hindi ay may gatas yun kapag piniga lalo na sa idad na 2 weeks to 3 weeks old. Pero di po advisable na pigain ha. Effect po yan ng estrogen sa baby na parang naging temporary adult yung effect sa body niya. In addition meron ding mga baby na nagmemens o yung may dugo na lumalabas sa pwerta sa idad na mga 5 days old. Dahil pa rin sa estrogen. Pero di naman ito uuli after 1 month dahil pakonte na yun hormones. So para sa may mga pimples at rashes na baby wag lang magpanic dahil mawawala lang rin ang hormones galing sa mommy in 3 to 4 months, but just make sure na maayos ang paligo with baby soap at maayos na pagkabula dahil madali rin sila magkabungang araw dahil sa init ng panahon. Kapag ang rashes ay marami sa leeg at singit karamihan yan ay dahil sa pawis. Maayos na pagkaligo ang sagot. Yung iba dahil sa rashes ay di na sila nagsasabon, ay mas lalala po ang rashes kapag walang sabon dahil ang pawis ay di po natatangal ng tubig lang. Ang pawis ay may halong langis yan. Ayon pa kay Sharon Cuneta ang Langis at tubig, ‘di raw mapagsama. Kailang may sabon na bumubula upang matangal ang pawis. Sometimes nagkakaroon ng nana or infection ang rashes, kapag ganoon ay pacheck nalang sa Doctor para mabigyan ng gamot. Dr. Richard Mata Pediatrician
Đọc thêmbreastfeed po ba kayo? or formula milk.. may cases po na ganyan pag bteastfeeding iwasan kumain ng seafood or any other food that will cause allergic reactions.. and when your formula milk naman po please observe yung denedede nya na gatas kasi it also happens baka may allergy ang anak nyo sa milk at pati sa vitamins po na pinapainom nyo sa kanya.. better to consult your pedia with that po para mapaltan at at maprescribe kayo ng tamang vitamins din sa kanya.. other cause maybe your detergent and fabcon po nakaka allergy kay baby..and sa paligid nyo dapat palaging malinis walang alikabok or any elements that will cause irritation po pag kinakarga make sure nakatali ang inyong buhok at wag hahalikan ng di pa naliligo wag hahalikan sa face pede sa paa or sa likod maligonpalagi para malinis din humawak kay baby
Đọc thêmVery normal mommy ☺️ Ginawa ko nun kay LO, after ko paliguan, kumukuha lang ako ng cotton balls and binabasa ko mg warm water tsaka ko pinapahid sa mukha niya para lang matanggal yung oil and dumi sa mukha. Hindi ko na sinasabunan mukha niya and natanggal naman after a few days lang ☺️
Pwede niyo po gamitin yung breast milk niyo sa mukha ni baby. Maglagay po kayo sa bulak parang gagawin niyo pong eskinol. Gatas ni mommy lalagay sa bulak then papahid po sa mukha ni baby kung saan may rashes every day po mi ganun para mawala na rashes ni bby mo. Effective yan super
ako po yung mustela na gentle cleansing gel ginagamit ko sa face ni baby every bath time.. nilalagay ko sa bulak tapos ipapahid ko sa face ni baby tapos rinse off.. nawala po yung mga pimples pimples nya.. medyo pricey yung mustela products pero maganda
Nagka baby acne rin nung 3 weeks si baby. Cetaphil for face ang ni recommend ni Pedia. 3x a day ipahid sa mukha. punasan muna warm water ang face bago i apply. Use cotton buds when applying Cetaphil sa face ni baby.
ganto po ba lotion ni baby mo? ano po soap nya
nagakaroon din ng ganyan baby ko, nilagyan lang namin ng petrolium jelly ngayon makinis na sya kahit rashes sa leeg nya yun lang nilagay namin ngayon makinis na ulit face at leeg nya..
baby acne yan. ganyan sa baby ko before tapos pinahiran ko ng tiny buds baby acne ayun nawala agad mga butlig nya💛
try mo to sis ito gamit ko kay baby . 2 weeks old palang sya nung ginagamit ko yan effective sya ngayon 1month na baby ko
Yup that's normal. it will go away on its own. you may also use your breast milk to moisturize your baby's face.
Mother of 3. Have two angel at the paradise and one angel at my arms.