Late Update

Baby's name: Zemira Lorraine EDD: Aug 21, 2020 DOB: Aug 20, 2020 via CS Aug 19, 2020 nag post ako dito na me kunting blood yung tissue na pinahid ko after umihi. Me kasunod pa pong bloody show nun. Nag decide kami ni parents ko na pumunta na sa ospital though wala naman akong nararamdamang hilab. 39 weeks and 4 days na ako nun. Pag IE sakin sa ospital, 1cm pa lang ako. Since malapit na din due ko, ininduce na ako ni doc 8am nag start yung induce. Grabeh sobrang sakit nya. Dumating si doc around 5pm para i.check cervix ko. 3cm pa siya pero manipis na daw sabi ni doc. Expect namin manganganak na ako sa gabi. Pagdating ng 8pm, 3cm pa din ako. Tinanggal yung induce para makapagpahinga yung matres ko. Di na siya gaanu ka sakit pero humihilab pa din siya. Natural na yung labor ko pero nakakapag nap pa ako. Nararamdaman ko na ang pagud. Pagka 8 am ng aug 20, ininduce ulit ako pero sobrang sakit nya na talaga. Still no progress, 3cm pa din. Pagkadating ni doc, umiyak talaga ako nag mamakaawa na i.cs nalang ako kasi di ko na kaya ang sakit. Anytime mag bi breakdown ako sa pagud at sakit. So sabi ni doc check ulit namin ng 11am kung me progress, pag wala cs na talaga. Pagsapit ng 11am, ayun 3 cm pa din. So na cs ako. Habang nasa operating room, ramdam ko na pagud sa katawankaya nakatulog ako pero nung paglabas ni baby, narinig ko boses nya pinilit ko gumising para makita siya. Iba pala talaga feeling. Naiyak nalang ako sa sobrang pasasalamat sa Diyos na okay siya. 11:49am lumabas na si baby. Hehehehe. Sobrang hirap ng process pero worth it nung makita kong okay na si baby. Nakalabas na kami ng ospital at sa ngayun nag yeyellow na si baby. Everyday pinapaarawan namin siya para mag lighten na ulit skin color niya. Sa mga mom to be out there, be strong. Kunting tiis nalang makikita niyo na mga baby nyo. Hehehe. Pray palagi na gabayan kayo ni Lord sa panganganak. Malaking tulong tong app nato sakin habang nag bubuntis ako kaya gagamitin ko pa din siya lalo na dito na si baby. Finollow ko advice dito. Nag pineapple, chuckie, walking, squatting at papaya para sa labor ko. Effective naman siya kaso maliit lang talaga pwerta ko kaya na cs. Siguro kulang pa yung squatting ko. Thank you sa app nato ❤

2 Các câu trả lời

VIP Member

We almost have the same story momsh iba lang reason why na Cs. Congratulations 💕

thanks momsh. new chapter na tayo momsh. hehehe nakaka excite pero need ko pa magpahinga for now. buti nalang talaga andito parents ko para tulungan ako mag alaga kay baby.

congrats mommy 😀

thanks momsh ❤

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan