11 Các câu trả lời
Yung baby ko may bukol sa may kanang kilay. New born sya nakapa ko na Yun. Pinacheck up namin sa pedia nya. Sabi ng pedia di muna daw bibigyan ng gamot hanggat di nakikita Yung Asa loob. Kelangang e ultrasound muna bago bigyan ng gamot para daw lumiit. Pero Sabi nya di Naman daw emergency. Hayaan Lang daw Kung di naman lumalaki. Normal daw sa baby Ang may bukol. . it's either ugat daw o cyst. Tas nawawala Naman daw kapag nag 1 yr. Old na. Tama nga Yung pedia nya. 1yr 3 mos na sya. Nawala nga Yung bukol. Pero mapapansin talaga Yung bukol nya noon. As in makikita sya kasi medyo malaki. . Pero ngayon nawala parang magic. Walang pinainom na gamot. . Pero better ask your pedia parin po
Normal lang po yung mga ganyan .. nawawal din po iyan .. ganyan pamangkin ko eh .. may bukol sa ibang parte ng katawan like sa ulo tsaka sa likod .. pero sabi ng pedia nya normal lang daw
Usually pag may bukol sa leeg dahil may sipon at ubo na matagal na masyado f pa gumagaling or pabalik balik..check ur pedia nalng po kasi ganyan dn sabi sakin noon sa anak ko
yung anak ko, baby pa that time parang ganyan din po may maliit na bukol sya sa ulo nya, pero hindi ko po pina check up, hinayaan ko nalang nawala nman yung bukol nyah nung lumaki na sya.
ganyan din po sa baby ko po nasa bahaging leeg naman po ung sa knya..inborn din po meron na ung bukol paglabas nya po..naghihintay parin po kami sa pedia nya..
Yung sa baby ko po ksi mejo malako pero malambot sya. Pag umiiyak sya lumolobo or lumalaki.
Pacheck up nyo po agad para di po kau mg alala kakaisip..
Baka kulani mamsh pacheck mo sa pedia
Pa check up niyo nalang po para sure
Ringo Niel Sullano