Baby ko huling dede nya, 9 ng gabi. Anyways breastfeeding po sya. Direct latch sya. Iyak pa sya ng iyak kagabi kase may pupu pala di ko napansin kaya pala iyak sya ng iyak. Pinapadede ko lang at dumede naman sya tas yun napalitan ko na at nakatulog na sya. Ilang oras din syang gising kagabi dahil ayaw pa matulog at yun pala ay may pupu. Sunod na gising namin, 1am dumede sya pero saglit na saglit lang at natutulog na kaya hiniga ko na. Sunod na gising namin 3am, pinadede ko pero saglit na saglit lang din at natutulog na sya :(((. Hiniga ko. Gumising kami ng 5 ata, nagpupu kaya pinalitan ko diaper. Kanina pinaiyak ko para daw lumakas ang baga sabi ng nanay ko at para na din magutom sya kase saglit lang dumede eh. After ng mga 5 mins, pinadede ko na. Pagkadede nya, saglit lang din dumede at natutulog na :((((((. Kinakabahan ako bat ayaw dumede ng baby ko, eh ang takaw takaw nun. Now lang sya naging ganito. Help po. Bukas pa yung sched ng pedia nya sa may ospital eh. May ganito din ba kayong sitwasyon? Anong reason po bat ayaw dumede ng baby nyo?