My baby is having hard time sleeping with her YAYA and lola nya
Kakabalik ko lang ng work 2 days ago ,since then yung yaya nya nagaalaga sa gabi with my mom. Panggabi po kasi pasok ko. I also asked my mom na tabihan sina yaya sa pagtulog.
5 months na si baby next week first time lang nya magsleep sa gabi na hindi ako katabi. Nagsasabi sina yaya na halos 30 minutes lang tulog ni baby for every 4 hours . Idlip lang talaga tapos iiyak na! and worst nakaka 10 oz average of milk lang sya within 12hours . Nakabreastfeed sya for 4 months pero napapadede ko naman sya sa feeding bottle every now and then lalo na pagaalis kami.
Nakakadiscourage na magtrabaho lalo na pag ganto nangyayari sa anak ko. Di naman ganun si baby pag ako nagaalaga.
Sabi ni mama. Nasanay si baby na ako lang kasama kaya naninibago sa kanila. Ang hirap as in! I am worried na baka mamayat si baby. Every morning halos natutulog lang sya hanggang hapon. Sumasabay samin ng daddy nya sa pagtulog.
Any advice po para maovercome ni baby to