I just want to share my experience.. FTM here

Baby girl Due Date: November 25,2019 Birth Date: November 26,2019 via NSD 7.7lbs Yes po lumagpas na sa due date si baby ko nung pinanganak ko, November 17 nagpunta ako para sa weekly check up ko saktong 39 weeks na kami ni baby nun na IE ako ulit nun pero close cervix parin ako, siyempre nagpapanic nako malapit na due date ko pero saradong sarado pa cervix ko so ginawa ng OB ko pinabalik niya ako ng Nov. 23 para icheck kung may progress na cervix ko. Nag start nako maglakad lakad as in tagtag na ako nung 37weeks na kasi natatakot ako mag preterm labor naman, pero pagbalik ko ng Nov. 23 kay OB na IE ulit no luck close cervix parin ako, ginawa ni OB binigyan nya ako pampahilab para daw magbukas na cervix ko and sabi niya kung di parin ako nanganak hanggang Nov 25 ay balikan ko siya kinabukasan para makapag usap kami. After ng check up ko na yun di nako tumigil maglakad ng maglakad , then Nov. 25 nararamdaman ko na sumasakit sakit na puson at balakang ko kaso nawawala din so di pa talaga yun tulad ng napag usapan namin ni OB pinuntahan ko siya sa hospital ng Nov.26 na IE ulit ako and sa wakas bumukas din cervix ko kaso 1cm lang siya so malayong malayo pa para manganak ako kaya tinapat na ako ni OB na need ko na ma CS agad agad bago makatae baby ko sa loob kasi lampas 40 weeks na kami ni baby, kaso nakiusap ako sakanya gusto ko talaga normal delivery. Ginawa ni OB binigyan niya ako option, option 1 trial and error kami induced then pag hindi nag work CS na niya ako tapos option 2 CS na agad. Pinili ko siyempre option 1, so ayun na sinaksakan na ako ng gamot para mag start na magprogress pagbukas ng cervix ko. 7am start na sa una wala pa ako nararamdaman pero habang patagal ng patagal sumasakit na, pinuntahan ako ni OB around 11 am para i IE ulit sabi niya 2cm palang daw after nun sumakit na lalo nararamdaman ko kasi tinurukan ulit ako ng gamot, around 3pm IE ulit 3cm palang so kinakabahan na ako dasal ako ng dasal at kinakausap ko si baby na makipag cooperate para ma normal delivery ko siya. Sabi sakin ng OB ko itutuloy pa namin pag induced kasi nagka progress naman pero dapat 8hrs lang yun tapos ititigil na pero since may progress nga sakin kahit papano itinuloy namin, mga bandang 6pm sobrang sobrang sakit na ng nararamdaman ko hindi na maipinta mukha ko sa sakit na IE ulit ako nun 5cm na so ako tuwang tuwa kasi kalahati na pagbukas niya ginawa ko kada humihilab every 2minutes dasal na talaga ako ng dasal kasi namimilipit nako sa sakit. Mga around 8pm binalikan ako ni OB IE ulit 7cm na ginawa niya pinutok na niya panubigan ko so ayun na doble lalo sakit na nararamdaman ko di ko na maexplain pakiramdam ko that time, chineck kasi niya if nakatae na ba si baby nun bute nalang hindi pa. Around 9:30pm ayun na pakiramdam ko lalabas na si baby hindi na ako na IE nun kasi pakiramdam ko talaga lalabas na si baby kaya dinala na nila agad ako sa delivery room. At ayun na nga pag ire naman problema ko dahil FTM ako ginawa ni OB tinuruan niya ako and mga ilang ire lang ayun na lumabas na si baby 10pm ko siya nailabas. Pagka kita ko sa baby ko nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko sa buong araw na yun sobrang saya sa pakiramdam , sobrang worth it lahat ng sakit ?. Pasensiya na napahaba, gusto ko lang palakasin loob ng ibang mommies na malapit na sa due date pero wala parin nararamdaman na sign of labor. Mga mommies kayang kaya niyo po yan ? God bless you all ?

23 Các câu trả lời

VIP Member

Mga momshie ako nmn early ng 2 weeks january 1 due ko pero dec 14 lumabas baby ko.. try nyo mga ginawa ko malay nyo makahelp.. since nga 37 weeks ako nag leave na ko sa work and start na maglakad lakad every morning atleast 1 hour.. then sa hapon lakad ulet.. tapos pinya and exercise like squat...ayun sa awa ng diyos ang bilis lang ng labor ko 8am ng dec.14 may lumabas na saken dugo pero sabi ng ob close cervix pa daw so naglakad lakad pdn ako mga 2pm sumasakit na sya hanggang 6pm pumutok yung panubigan.. and 8:14 lumabas na baby ko.. via NSD thanks God

ganyan din po ginawa ko mommy nag start din ako 37weeks pero di nag work sakin hehe congrats po sainyo 😊

Wow congrats mommy! Mejo napanatag ako sa sinabi mo. Dec 23 due ko😊 at ang laki na din ni baby 3.5 kg na siya. Sana lumabas na siya kasi close cervix pa din ako

kayang kaya niyo po yan mommy, basta kausapin mo po baby mo malaking tulong lalo na pagdarasal 😊 thank you po

Salamat mamsh. Salamat po sa pagshare ng experience..due ko na kahapon. Sana lumabas na sya this week🙏🙏💞 congrats po

oo mommy kaya niyo po yan ni baby 😊

Congrats po! Medyo natakot po ako haha first baby ko po kasi takot po ako ma cs hehe sana makisama si baby

thank you, normal lang po makaramdam ng takot lalo na satin FTM pero kayang kaya po yan 😊

VIP Member

Ang laki ni baby sana normal delivery din ako 1st baby ko pa naman ayoko ma CS btw Congrats momshie 😊

oo nga po ang laki nga niya 3.5kgs siya hehe kaya po yan mommy 😊

I wish na ganyan din kami ni baby 😭 2020 march 5... Hoho Congrats sis ❤️

oo yan mommy kaya po yan 😊 thank you po

Haaay ako due ko na sa 20 sana lumabas dn si baby at makisama

thank you mommy 😊

Congrats po! Nairaos nyo po via normal.delivery si baby 💕

oo nga po kahit ang laki ni baby 😊 thank you po

Congrats momsh. And thank you sa pag share mga info hehe

thank you po, oo mommy gusto ko mapanatag hindi pa nanganganak na mommies lalo na yung mga malapit lapit na sa due nila 😊

VIP Member

congrats po..nkka kaba na nkka excite n manganak...

thank you, nakaka kaba po pero kayang kaya niyo po yan. 😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan