first baby

My baby girl quielha elize❤️ Hi mga momshi share kolang yung naranasan ko bago ko ilabas si baby. So ayon nung una kinakabahan ako kase 41 weeks na si baby no sign of labor pa den kahit squat ako ng squat and lakad as in wala talaga. Tapos akala ko cs ako kase sa ultrasound ni baby 3.7 kaya sabe saken ni midwife baka i cs nalang ako edi hinanda kona yung sarile ko sa cs tapos mga 41 and 3days pag gising ko ng umaga medyo nasakit puson ko kahit tamad na tamad ako bumangon naglakad ako ng 5mins, pag uwe ko medyo parang may sipon pag tingen ko sa panty ko tapos mga tanghale nagpunta kame center 2cm pagdating ng hapon dun ko naramdaman yung kirot nya ng miyat miya tapos hindi pako nagpapadala ospital kase kaya kopa naman mga 9pm nagpadala nako kase iba na yung kirot nya pagdating namen sa ospital 5cm pagdating ng 10:25 lumabas na si baby di nya ako pinahirapan para lang akong tumae hahaha halos dina kame umabot sa paanakan sa pinto palang lumabas na si baby sa diaper. Tapos mali yung ultrasound saken 2.6 lang di baby nung lumabas hehe. Thank u sa apps nato dame nya natulong saken huhu❤️❤️

first baby
49 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

congrats! 39weeks here, kabado na ko kasi parang ayaw pa lumabas ni baby 😔 lahat na yata ginawa ko para matagtag, ok naman lahat ng utz & lab results nya,. super likot din.. hays... sana lumabas na sya at wag din ako pahirapan 🙏😔

congrats. sana ganyan lang din panganganak ko 37 weeks and 5days .. na po kmi ni baby.. sana mag kusa din sya katulad ng sau ndi ka masyado pinahirapan

wow congrats mommy, sana all ..ako nag discharge ng blood ...pero nd pa sumasakit .. sana makaraos na rin kami ng baby ko...38weeks and 6days..

ako po 39 weeks and 2 days ala pa din contractions, pero may white na sa panty ko, nitong nakaraan likod k lang ang smakit then wala na po..

sana ako din makaraos ng walang pahirapan masyado. pero matagal tagal pa kasi 18weeks palang ako. 😅 congrats mamshie.

Sana ako rin po. Sana hindi ako mahirapan sa panganganak at importante healthy si baby ko 🙏🙏🙏🙏 Congrats po.

congrats ☺️sana din ako makaraos na. lahat na ginawa ko eh. lumakas ulit loob ko sa kwento mo mommy☺️

Congrats momsh . Sana ganyan din kabilis 40weeks and 1day na rin ako di pa open ang cervix lakad2 squad din

Thành viên VIP

Congrats po momshie.. Sana ako rin hndi pahirapan ni baby.. 30 weeks preggy na ako ngayon,🤗😊

congrats mommy 💞 sana ganyan din ako kabilis manganak. in labor na din ako 🙏🙏🙏