"My Baby's First Birthday" Eto na yata ang pinaka nakaka-pressure na event ng buhay ng isang first-time parent. Simula pa lang ng mag 10 months ang baby ko, panay research at plano na ko kung paano ko gagawing memorable ang 1st Birthday ni Yayang.
Every parent wanted the best for their baby pero paano mo nga ba malalaman kung ano ang BEST BIRTHDAY for your baby?
Lalo na kung 1st birthday nya ito at hindi pa sya nakakapagexpress ng mga salita kung anong gusto nya sa birthday nya.
Let me share with you how I chose my baby's birthday theme and how I planned this day to remember.
Mga dapat ikonsidera:
✅ Tandaan ⚠️ Ang araw na ito ay araw ng baby mo. Observe your baby's interest. Any favorite toy? May paborito ba syang palabas sa netflix, youtube or tv? May paborito ba syang prutas? May paborito ba syang sayaw or kanta? Piliin mo kung ano yung napansin mong pinaka nakakapagpasaya sakanya.
✨ Story sharing: Laging dala dala at yakap yakap ni yayang yung stuffed toy nyang mermaid at mahilig din sya magswimming sa balde sa CR. Kaya naisip ko na piliin yung Mermaid Theme for her first birthday
✅ Magisip ng main event or activity ng mga bata during the party. Swimming? Dance Party? Games? Nakadepende ulit ito sa pinaka gustong activity ng baby mo i.e. Kung paborito nya si baby shark dance magorganize ng baby shark best dance competition. Tiyak na maeenjoy ng baby mo at makikisayaw sya sa mga sasali 💃
✅ Imbitahan lamang ang close family members at magorganize ng live feed (FB live, zoom meeting etc.) para sa mga kaibigan at iba pang kakilala.
✅ Maghanda ng mga pagkain na maeenjoy ng mga bata (i.e. Spaghetti, hotdogs, shanghai, ice cream, pizza)
✅ Mag prepare ng loot/giveaway bags na pwede mong ipamigay sa mga batang family members at ipadala naman sa mga anak ng kaibigan na nakiparty sa live feed
✅ Make a memorable birthday song and blowing of birthday candles! 🎂 Record the moment ❤️
✅ Lastly do a group prayer at sabihin mo lahat ng bagay na wish mo for your baby and express your deepest gratitude as a parent who are blessed with your child 🙏
P.S. Take pictures! 📸
Hindi naman talaga sa pinakamagarbong dekorasyon, pinaka magandang damit masusukat ang memorable 1st Birthday Party ng anak natin. Masusukat to sa mga intentional actions natin at pagiging "present" sa puso at diwa sa araw na yun ng baby natin.
Kaya mommy and daddy, make it "A day to remember" 🎂🎈✨
- Mommy Ju, The Olego Fam 👨👩👧