TO MY BABY'S FATHER,

To my baby's father, You missed out on her first kick. You missed out a soon-to-be kid. Alam kong lahat ng 'yun mami-miss mo. 'Yung binyag niya, mga birthdays niya, graduations niya, 'yung first dates niya, at syempre ‘yung paglaki niya. Hindi mo makikita kung paano siya lalaking isang mabuting tao na malayo sa’yo. Hindi ko siya tuturuang kamuhian ka. Kapag tinanong niya kung nasaan ka, sasabihin kong ipinadala ka sa Iraq at namatay para lumaban sa gyera. Nang sa ganoon ay isipin niyang namatay ka para sa bayan, kahit ang totoo ay isa kang duwag dahil hindi mo kami nagawang panindigan. Hahayaan ko kung ano ang isipin niya tungkol sa’yo. Hindi ko siya tuturuang magtanim ng galit at sama ng loob sa kahit na sino lalong-lalo na sa’yo. Hindi ko ipapaalam sa kanya kung gaano kaduwag ang ama niya dahil hindi mo kami nagawang ipagtanggol sa iba. Hindi ko sasabihin sa kanya na hindi mo kami pinili. Hahayaan kong panahon na lang ang magsabi sa kanya na ‘yung pagiging ama mo sa kanya ay hindi mo kinaya. Ngayon pa lang proud na ‘ko sa kanya dahil sa kabila ng stress na dinala mo sa buhay naming dalawa ay nandiyan pa rin siya at hindi bumibitaw. Buti pa siya, never inisip na umayaw. May alinlangan ako noong una, pero nang maramdaman ko ang pagmamahal ng aking pamilya at kaibigan para sa kanya ay naisip ko na hayaan ka na lang. Hindi ka kawalan dahil marami kaming magmamahal sa kanya. Minsan napupuyat ako sa pag-iisip, nakakaramdam ka rin kaya ng guilt? Hindi ako galit sa’yo. Thankful pa nga ako dahil binigyan mo ‘ko ng isang anghel sa buhay ko. Pero nawala ang respeto na dapat sana meron ako para sa’yo. ‘Wag mong ituring ang sarili mo na tunay na lalaki, dahil ng tunay na lalaki ay hindi iiwan ang kanyang anak para lang sa iba. Hindi niya hahayaang mamulat ang kanyang anak na walang kumpletong pamilya sa kadahilanang naghanap ka ng iba na kanyang kakaharapin habangbuhay. Sayang. Masarap maging magulang pero hindi mo man lang sinubukan. Tinanggihan mo ang pinakamasayang responsibilidad sa buhay mo, ang maging tatay ng isang anghel na ‘to. Alam kong sa t’wing darating ang Father’s Day ay mahihirapan siya dahil wala siyang babatiing ama. Pero sigurado naman ako na maraming tatayong ama lalo na ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya. Tatay ko, kapatid ko, kaibigan ko at lahat ng taong kabaligtaran ng pagkatao mo. Wala nang puwang sa’kin ang manisi sa pang-iiwan mo. I don’t see it as anything that I did wrong. You were simply a coward who didn’t have the courage to stick out during tough times. Oo, mahirap ang mga bagay bagay sa simula, ngunit habang tumatagal ay unti-unti ko itong naitatama. Palalakihin ko ang ating anak na mabuting tao dahil ipinakita mo sa’kin ang mga bagay na hindi niya dapat taglayin at gayahin upang maging isang tulad mo. Tinigilan ko na ang pagiging malungkot nang dahil sa’yo dahil hindi mo pala talaga deserve ang mga luha ko. Para ko na rin sinabing nanalo ka kapag umiiyak ako. Sinusubukan kong ilagay ang sarili ko sa kinalalagyan mo noon. Inisip ko na lang na hindi mo kayang maging responsable at naipit ka sa mga pangyayari pero kahit gaano ko kagustong intindihin ka, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nang-iwan ka ng ganoon na lang. Sana kung darating ang araw na magkakapamilya ka, ‘wag mo na ‘tong gagawin sa kanila. Mahirap lalo na sa bata ang lumaking walang kinagisnang ama. Mahirap para sa ina niya ang magpalaki ng bata nang mag-isa. Hindi mo man deserve ang saya sa pagkakaroon ng masayang pamilya, hindi rin namin deserve ng anak mo ‘yung sakit nang iwan mo ‘kong mag-isa habang pinapalaki ko siya. Hindi madaling maging ina at ama. Pero gagawin ko lahat at alam ko isang araw, makikita ng anak ko lahat ng paghihirap ko sa pagpapalaki sa kanya ng solo. Sana kapag naalala mo ‘yung mga panahong hindi mo kami pinili, ma-realize mo na kahit gaano kasakit ang ginawa mo ay naging malakas ako at kinaya ko ‘yon hanggang dulo. Salamat dahil tinuruan mo akong maging matapang kahit wala akong inaasahang tulong galing sa’yo ngayon. Salamat sa anghel na sasamahan ako hanggang dulo. Ako ‘to... Ang nanay ng anak mo na nangangakong hindi siya lalaking duwag na gaya mo. ctto. Angel kit Villaflor

TO MY BABY'S FATHER,
47 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I feel you momsh. Though willing magsupport tatay ng baby ko, hindi ko na lang din tinanggap coz I know na hindi lang support ang kailangan ng baby ko. Ang kailangan nya ay isang mabuting ama at hindi pera lang. Mas gugustuhin kong palakihin na lang mag isa baby ko kesa sa may amang sumusuporta nga pero madaming side chicks. Kawawa yung bata pagdating ng panahon. Mas mahalaga sakin ikatatahimik ng buhay ng anak ko kesa sa kahit na anong halaga ng pera na ibibigay sana ng magaling nyang ama.

Đọc thêm

Maldita tlga cguro ako or anu... Pero pcnxa na.. Dko Alam bkt prng prng pgttkpan natin ang gnwa ng ama na d MN lng tayu pinanindigan.. Pglaki ng anak at mgttnong wag na gumwa ng kwento.. Drtso na sabhin sa anak.. Wla ang ama mo anak iniwan tayu d tayu pinili... D niya tayu mahal.. Period.. At ng d na mag expect ang anak ko ng anu pa.. Pg sakali dumating ang araw at mgppkita ang wlang hiya.. Ah pakyu niya.. Anu kmi retirement option niya..

Đọc thêm
5y trước

Siguro nga ganyan ang opinyon ng iba pero magkakaiba kasi tayo sis ng mindset eh. Pero ano man ang pagkakaiba natin lahat tayong mga mommy isa lang ang gusto yung hindi masaktan at mapasama ang mga anak natin 😊

Be strong mommies!.. living proof of our strength,are our babies. They are proof that we are mothers,that we are survivors. Mawala man ang lalaki,partner,bf o kahit asawa pa,pero ang anak,sila ang forever andiyan para satin. Ano't ano man mangyari,anak natin sila at tayo ang nanay nila. Kaya natin to... makakaya natin to. Kayanin natin ang lahat para sa anak natin. Pupunuin natin sila ng sobra sobrang pagmamahal.

Đọc thêm

Grabe relate na relate ako sa story. Ganyan din kasi ginawa sa amin ng unang anak ko. Hinayaan lang kame, iniwan sa ere. Pero maswerte ako kasi kahit papaano may tumanggap pa rin sakin ng buong buo kahit may anak na ako. Sya na rin ang tumatayong ama sa anak ko, ngayon happy kame kasi magkakaroon na kame ng 2nd baby Kaya para sayo alam kong kayang kaya mo yan sis malalampasan mo rin yung struggle mo ngayon.😊

Đọc thêm
Post reply image
5y trước

So happy for you sis. stay safe 👌

yung words, yung laman ng letter na toh.. parang ako yung nagsasalita. same case. mahirap maging single mom. pero kakayanin para kay baby. pagdating ng araw, magsisisi yung ama ng anak ko kung bakit niya kami iniwan bigla simula nung nabuntis niya ako. i am loved, i am blessed, i am worthy! cheers mom ❤

Đọc thêm
5y trước

nako lagi lang natin isipin na hindi naman tayo ang nawalan kundi sila

Same case pp Tayo mamsh. Proud to be single mom here! Di kami ang pinili at pinanindigan pero pinili ko si baby. Lahat itinabi ko pati pangarap ko para sa baby ko. Nakakalungkot man minsan na di ikaw ang pinili pero nagpapasalamat pa din ako at bingyan ako ng cute na baby.

5y trước

May mas maganda plano lagi si lord ❤

Thành viên VIP

Ang cute niyong baby ang magsisilbing lakas at inspirasyon niyo sa lahat ng gagawin po ninyo.Saludo po ako sa lahat ng ina o magulang na pinapalaki ang anak mag isa. Hindi biro ang magtaguyod ng anak ng nag iisa. God bless you po and your baby.🙏💕

5y trước

Salamat mamsh ❤

I feel you momshie ako nga nung nabuntis ako tatlong beses pa sinabi ng father ng baby ko na inuman na ng gamot, tinuloy ko siya kahit mahirap lalo ung situation ngayon at eto na si baby ang aking stress reliever 😊

Post reply image

i feel you dahil sa first born ko di rin kame pinanindigan..pero ngayon happily married na ako..nung nag 8 sya hinayaan ko ng makilala sya ng kanyang ama..ngayon 10yrs old na sya..

5y trước

kami masaya na with my second baby 😊

Hindi ko nararanasan yang sapatos na suot mo, dahil well loved ako sa husband ko. pero, PROUD ako sayo dahil KINAKAYA mo. Godbless you and your baby. Stay strong always. Salute.

5y trước

salamat po