77 Các câu trả lời
Hi momsh. Ganyan din baby ko. 2 weeks old siya nung first siya magkaganyan. Dumadami tpos mas namumula kapag pinagpapawisan si baby. Kaya nung first few weeks niya nagkulong lang tlga kami sa bahay kasi aircon. Lumalabas lang kami early morning para paarawan siya. Make sure lang momsh na presko lagi si baby, breathable dpat yung mga fabric ng damit, mawawala din yan. Gamit namin Mustela sis, holy grail yung no-rinse cleansing water nila. Kapag naglalabasan na rashes ni baby or pinagpapawisan, pinupunasan ko lang siya nun tpos yung mga singit singit niya pra fresh ulit.
Ebf po ba kayo or formula? Kasi po ako may allergy din tas nung nagrashes si baby tinanong nga po kami kung meron may allergy samin, tapos po ginawa pinalitan ng hypoallergenic yung gatas niya tapos di naman na kami naggamot or nagpahid sakanya. Nawala naman po yung mga rashes niya, hanggang 1yo siya naka-hypoallergenic kaming formula milk, kasi nung 6months niya tatry na namin ng ordinary milk, nagpula padin siya sa leeg at dibdib.
Ganyan din baby ko. Months bago nawala. Umiiyak lagi, Di makatulog dahil nga raw sobrang kati. pati katawan meron. Pumunta kami sa Pedia niya, may mga niresetang gamot. After 1week balik ulit kami. So, ang nireseta niya BL cream. Ayun, isang beses ko lang ginamit. Natuyo ung parang nagtutubig sa katawan niya. Ang BL kasi mild lang daw. Di mahapdi sa balat especially sa mga baby. Kaya lang hiyangan din kasi ang BL.
Nagkaganyan din first baby ko. Atopic Dermatitis naman ang case nya. Nagstart din sa mukha, then likod hanggang sa ari nya. Niresetahan kami ng Hydrocortisone (Anti Rash Cream), Antihistamine drops (Allergy kc yan) and gamitan mo c baby ng mild & gentle soap (like aveeno) and pinastop akong pagamitin c baby ng Lactacid baby wash dhil ndi sya mgnda for baby na may mga sensitive skin
same po niresetahn dn po c bby ng eczacort at anti histamine drops .. pero hnd p dn po nwawala .. itry ko po aveeno
ganyan dn po babyko sbi ng doctor skin asthma daw ..may niresta na pampahid .,,natatangal naman pero sa tuwing nakakaulam ako nan malalansa ayun bumabalik ulit .. breastfeed kce ako kaya sbi nadedede daw skin kung nkakaulam ako ng malansa .. *HYDROCORTISONE ECZACORT ..ung pampahid na niresta skin
yan din po nireseta skin kaso dti kaunti lang pero nung start ipahid dumami ng dumami .. kya itinigil ko po ipahid
Hi mommy! Yung baby ko meron syang atopic dermatitis parang skin asthma na din, lumabas yun nung 2 months na sya. Meron kami cream and sabon na ginagamit and super effective sya. And kapag pinapaliguan namin sya hindi masyadong mainit yung water kasi mas na tritrigger yung rashes.
Mommy skin asthma na ba agad, hindi pa baby acne? Karamihan ng newborn babies kasi dumadaan sa ganyan. Ganyan din kasi yung son ko at sa babies ng friends namin, hinayaan lang namin. Tapos nawala rin naman. Cleanse ng water lang kami and yung gentle cleanser nya, wala ko ipinahid na cream.
opo .. sb ng pedia nya . may skin asthma po kasi daddy nya .. namana daw po ...
hello sis. my skin asthma dn panganay ko.. nung baby sya gnyan hirap kme sobra kc d nmin alam ggwin.. wla kc gamot ang skin asthma, maintenance lang.. yap cetaphil po tlga pinaka mabisang ginagamit nmin pra hnd lumalala.. wag nyo po hyaang magpawis c bby pra hnd mangati lalo..
Nagkaganyan din baby ko. 3days din pagkatpos nya ipanganak tug kabilang pisngi SA umaga pinapahiran ko Ng milk ko tas bago matulog pinupunasan ko sya Ng maligamgam na tubig ganun Lang everyday Ang routine ko ayun nawala na sya. Kuminis kinis na ung pisngi nya
Hi po..yun baby ko din may skin asthma cetaphil sabon nya,at dahil breastfeeding mom ako d aq kumakain ng malansa tpos pg na allergy sya pnapainom ko sya cetirizine drops for 5 days 1x a day lang twing bedtime tpos perla white pnagssbon ko sa mga damit nya.
Nhica Co