My birth story as a first time mom ❤️

Baby Adeline EDD: December 04, 2020 DOB: December 08, 2020 40weeks and 4days Normal delivery with Epidural Long post ahead.. Sharing you my birth story as a first time mom and yung experience ko sa VRP Hospital ngayong may pandemic. December 1 evening, mucus plug out. Then December 2 ng madaling araw bloody show na but wala pang pain. Pero ngwoworry na si hubby since wala pa kaming swabtest ( Required sa hospital ang Swabtest) December 3 nagpaswabtest kami sa Hi Precision McKinley West (Parehas kaming nagpaswabtest since gusto nya sumama sa delivery room, and our OB said kung gusto sumama sa delivery room ni hubby need nya lang magpaswabtest.) So we got our swabtest, kinuha na namin yung 24hour result (swabtest price: 4,400 2-3days result, 6,500 24hours result) kasi nga nagbloody show na. That afternoon, diretso kami kay OB for IE, close cervix parin ako. After that lakad lakad pa kami sa mall and then inom narin ako ng pineapple juice (btw, sabi ng OB wala daw proven evidence na nakakahelp ang pineapple para mag-open cervix, pero uminom parin ako). December 04, nakakaramdam na ako ng mild cramps at mabigat na balakang pero di masakit, so lakad lakad parin ako at squats hoping na manganak na ako dahil may result na ang swab namin (both negative and 7 days lang validity ng hospital para sa result ng swabtest). Dec. 04 evening, nagkocontractions na ako but mild pain lang na parang cramps going up sa tyan yung pain. Inorasan ko na yung interval at every 10mins na sya, so sabi ni OB naglelabor na ako. But tolerable pa yung pain from 1-10 scale siguro mga 2 lang. Madali g araw umaaray na ako kasi naglevel up na yung pain, but still tolerable. Pinapapunta na ako ni OB ng hospital kasi ng 5-7mins nalang interval ng contractions ko. 7AM Dec 05, nagpunta kami ng hospital diretso sa delivery room para macheck si baby. And to my disappointment, 1CM palang ako. Grabe umiyak talaga ko pagbalik sa sasakyan, grabe yung disaappointment ko and pressure na manganak na within the week kasi nga 1 week lang validity ng swab namin. Bago ako palabasin ng delivery room, nilagyan nila ako ng anim na Primrose Oil then BPS utz ulit para macheck ang water ni baby. Dec 6, lumabas kami para makalakad lakad, still feeling pain sa hips at back. May cramps parin na every 10mins. It’s official, sabi ni OB hindi nagpaprogress ang labor ko. Maghapon ako ng lakad ng naglakad with squat pa para lang magprogress ang labor ko, maghapon ding consitent lang yung pain and interval ko. Pagdating ng gabi, I felt pain na kakaiba, kaya inorasan ko yung interval 5-7mins parin. Mas masakit na sya kaysa nung mga nakaraan. Pain na sya na coming from balakang to puson at tyan. Sabi ni OB, monitor ko lang at punta na ako ng hospital kinabukasan at diretso na daw ulit sa delivery room. Pero kinabukasan (December 7) di ako pumunta ng delivery room, dumiretso ako sa clinic nya para magpa-IE kasi last time nagpunta kami ng delivery room nagbayad kami ng 2,600 para dun sa IE at monitors na nilagay nila sakin. Kaya kahit medyo masakit na nagpaIE nalang ako sa OB ko para libre lang. Pag-IE, 4-5CM na ako at di na nya ako pinaalis. Kumain daw muna kami at magpa-admit na. Halong saya at kaba yung ramdam namin, pumunta kami ng sasakyan to get yung mga gamit namin, we prayed afterwards kasi malapit na namin makita si baby after ng mahaba-habang labor process. Pag-admit sakin sa delivery room dun namin nalaman na bawal si hubby sa delivery room. Nagulat kami, kasi sayang yung pa-swab test ni hubby dahil sabi nga ng OB pwede naman basta may swabtest si hubby. And our OB, wala lang syang reaction about that. Some nurses are telling me na, alam naman daw ni doc (OB) na bawal companion sa delivery room. First frustration ko yun habang naglelabor, 6,500 isn’t a joke. Second is we got maternity package sa OB namin, private room package ay 91,000. Pagdating sa delivery room tinanong nila ako kung may other sakit ako, sabi ko asthma lang, then they informed me na wala na yung package kasi nga I have asthma. Sabi ko paano yun? Alam naman ni OB yun tapos bakit kung kelan nasa delivery room na ako saka ko sasabihin na wala ng package. Nagworry ako kasi tataas lalo ang bill namin bukod pa sa sama ng loob ko sa nasayang na swab test. Kaya imbis na private room pinilit ko si hubby na semi-private nalang ang kunin para makabawas bawas sa bill. At pinilit ko din na maglabor nalang sa room namin kaysa sa labor room dahil hindi ako comfortable at gusto kong kasama ang asawa ko dahil yun ang nasa pinagusapan namin ng OB ko na birth plan. Nilipat nila ako sa room namin at pinapirma ng statement na mas gusto kong maglabor sa room kaysa sa labor room. Around 11pm ng gabi, nagising ako sa sobrang sakit. Sakit na parang naiire ako but hindi nadudumi. Nagchichills na din ako, nanginginig ako tuwing may contractions. Pain level is like number 6. Humahanap na rin ako ng pwesto tuwing nagkocontract dahil di ko na alam saan ako hahawak sa sakit, napapaire ako sa sakit at napapagrowl (mababa po pain tolerance ko but still I want to try ng walang epidural as much as possible) Tinawag ni hubby yung nurses at nagdecide sila na ibalik ako sa labor room. PagIE nila sakin ay 6-7CM na ako. Tuloy tuloy parin ang pagchichills ko habang naglelabor at napapa-ire parin ako sa sakit, sinusuway at pinapagalitan na ko ng nurses at doctors dahil wag daw akong iire kasi hahaba ng ulo ni baby. Pero nung oras na yun di ako mapigilan sarili ko dahil wala kong ibang maisip para maka-cope sa pain kundi umire. Sinusubukan kong pigilan pero hindi ko kaya, nanginginig ako sa sakit. My OB decided to gave me anesthesia na kasi umiire na ako sa sakit. Bukod sa general anesthesia, binigyan na din ako ng epidural. Halos di ko na maramdaman yung sinasabi nilang sakit ng epidural kasi pagod na yung katawan ko sa labor pain. The only struggle lang habang tinuturukan ako ng epidural is nanginginig parin ako at pinapilit kong pigilan dahil di nga pwedeng malikot for epidural injections buti mabait yung anesthesiologist at kinakalma nya ako. After that, nakatulog ako. Nagising nalang ako na nadudumi ako ng sobra, yung tipong poopoo na sobrang laki, ganon ang feeling. Ang hirap pigilan, pero need daw pigilan dahil wala pa si OB. Ini-IE ako at 9CM na ako. Napapa-ire na ako dahil sa sensation na parang nadudumi na ako. May 30mins din akong ganon ang feeling, hanggang sa ini-IE ako at yung doctor na yung nag “warak” sa loob para mag10CM na ako. After that, dinala nila ako sa delivery room at nagready na sila. I don’t feel any pain na dahil sa epidural, just antok at poopoo sensation. At medyo nakakahiya man, naka-poopoo talaga ako habang naghihintay kami na bumaba ng kusa si baby. Ilang beses siguro yun may lumabas na poopoo sakin, nakakahiya man pero wapakels na pagod na ako at gusto ko nalang makaraos. Pero I can hear yung mga bata-batang nurses na they are making fun of the poopoo hehe. Medyo nakakahiya pero nilakasan ko nalang loob ko. They checked ulit na ready na lumabas si baby. Sinaksakan na ulit ako ng anesthesia para daw wala na akong maramdaman sa half body ko. Then nagstart silang pindutin yung tyan ko to know if nagkocontract na ako (wala talaga akong maramdaman bukod sa poopoo sensation) at bumilang sila ng 10counts habang naire ako (tips mommy sa pagire dapat wala daw sound para maganda ang pag-ire) 4 na ire and baby is out. The pain is over, pure happiness nalang ang excitement. Skin to skin agad ang latch then nilabas na nila si baby. And ako nakatulog na habang tinatahi yung hiwa sakin. After 2 hours ginising ako at dinala na sa room namin ni hubby. Naiyak nalang kami ni hubby habang magkayakap and he’s telling me how brave I am. And to finish this, umabot po kami ng 114k less 9,500 Philhealth sa VRP instead of 91K lang sana na OB package. Ang haba.. pero thank you for reading. I shared this, including yung presyo sa hospital para may idea yung mga manganaganak sa VRP. Thank youuuu, bow. 🤱🏻 Padede muna ako 🤣

My birth story as a first time mom ❤️
11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Congratulations, mommy!