1 Các câu trả lời

ganyan po ginawa ko nung bumalik ako sa work. since mahirap magpump sa umaga at konti lang din ang nalabas pag pump, sa umaga formula sya and then pag uwi ko po breastmilk na po sya. nagstop sya ng breastfeed kasi pinatagil ng biyenan ko dahil nahihirapan daw sila sa gabi at hinahanap daw yung pagdede sakin. kaya binawi namin sa gatas. nan at s26 ang naging milk nya. ngayon nag one na sya balik na uli sa nan.

Pansin lang namin mas hirap syang magpoop sa s26. Sa nan regular ang poop nya hindi sya hirap. Regular din sa s26 pero matigas poop nya kaya hirap sya. Parehas naman na nagpabigat sa kanya yung dalawang gatas

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan