In laws
Ayoko na sanang magpost pa, pero hindi na kase kinakaya ng puso ko. At kung ito lang din ang ikagagaan ng nararamdaman ko, atleast mabawasan man lang. Kapapanganak ko lang two months ago. Okay naman kami ng mga in-laws ko. Natutuwa pa nga ako at hands on din sila sa baby ko. Wala akong problema nung una kahit maghapon pa nilang karga at inaalagaan ang love one ko. Kase aminado naman ako na diko pa kaya dahil CS at first time mommy din ako. Kaso habang lumilipas ang araw parang napansin ko na, bakit parang ako pa ang nanghihiram ng sarili kong anak? Bakit ako pa yung kailangan magpaalam kung ano ang dapat at hindi, na isusuot ng baby ko? Bakit parang feeling ko, ako pa yung pinagbabawalan minsan? Bakit parang hindi ako yung magulang? Naiintindihan ko naman yung sa part ng mga biyanan ko na sabik sila sa bata dahil unang apo. Pero yung iparamdam nila sakin na wala lang ako sa anak ko, bakit diko ma gets? Gustuhin ko man magalit, pinagtitimpian ko nalang. Hindi ko alam kung O.A lang ba ako? Or postpartum ba 'to? Gusto ko kase maramdaman na magulang na ko, ayokong masanay na inaalagaan nila yung baby ko habang ako nasa kwarto, hawak ang cellphone at pa easy easy lang. Mas ayokong masanay ang baby ko sa mga in laws ko, hindi naman ako nagdadamot, pero nanay na kase ako. Gusto ko lang hanapin yung lugar ko sa baby ko. Kayo ba na experience nyo na, paggising mo wala na sa tabi mo ang baby mo dahil kalong na ng biyanan mo? Na experience mo ba na pag gising mo, naririnig mo yung baby mo na nasa kwarto na ng biyanan mo? O minsan ba naranasan mo na kunin yung baby mo sayo dahil itatabing matulog ng mga biyanan mo sa kwarto nila? Minsan pa nga kahit tulog ang l.o ko bubuhatin pa yan para gisingin at kausapin. Maghapon na ngang nasa kanila yung baby ko tapos gusto pa itabi pa sa kanila pagtulog? Sh*t Ano pala ko? Wala lang? Inilabas ko lang anak ko tapos sila na bahala ganun? Pano naman yung feelings ko bilang nanay. Ang sakin lang, matuto ako bilang Ina. Hayaan nilang maalagaan ko ang baby ko. Hindi sa lahat ng oras,mas lamang ang pag aalaga nila sa anak ko. Minsan kase nakakainsulto nalang. Salamat mga momshies sa pagbabasa ng hinanaing ko.