keep on praying sis 🙏🏻 at baka late development lang ang embryo. tuloy lang po ang vits & gamot. avoid po stress pwede po kayo pa 2nd opinion po sa ibang ob. ob-perinatologist po ang bagay na doctor sa high risk at may history ng miscarriage. mas tutok po sila sating maseselan magbuntis.
not normal po ang spotting/bleeding during pregnancy po.
share ko lang po. same experience po na 1st miscarriage, sa 2nd ko nagsspotting ako kaibahan po sakin ay walang progress walang embryo ended up na blighted ovum hanggang 10 weeks inantay sakin. if ever na magplan po kayo magbuntis uli, pacheckup po muna before magconceive sa ob-REI or immunologist dahil may history ng miscarriage at malaman anong cause bakit po maselan magbuntis. then pag preggy na po sa ob-perinatologist po kayo pahandle. nagpaalaga po ako sa ob-REI at treated as APAS patient dahil twice na ko naudlot ang pregnancy. may reproductive immune disorder po na tinatawag kung saan nirereject po ng katawan natin ang baby at may categories po sya malalaman po through lab tests. ngayong 3rd pregnancy ko, naging ok po pagbubuntis ko sa tulong po ng mga tamang doctor na pinagccheckupan ko at ngayon malapit na po ko manganak.
Anonymous