Aug 18 nung ma emergency cs ako, simula nung first day up until now (sept 23) hindi padin tumitigil yung pagdudugo ko. Nung first day ng manganak ako yung blood parang mens, pulang pula. Tapos nung tumatagal color brown na tapos pa konti konti nalang. Nung sept 21, color brown yung lumalabas sakin then konti lang din. Sept 22 bigla bumilis at kulay red ulit. Katulad nung lumalabas sakin nung nanganak ako. May buo buo din na blood, possible po ba na mens ko na to? Hindi po ako breastfeeding. Oct 5 pa kasi follow up check up ko kay OB. Medyo worried na po kasi ako since day 1 hindi tumigil pagdudugo ko. Salamat po sa sasagot.