May UTI pa din

Asking po sa mga mums na may UTI during pregnancy (ako kasi entire term di bumaba ang result ng UTI ko, EDD Sept2025), currently 34weeks na yung sa akin. Kamusta po ang panganganak? Napa-aga po ba ang labor/delivery? Kamusta din po si baby pagkapanganak? #AskingAsAMom #firsttimemom #pregnancy #Needadvice

8 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako po last yr, entire pregnancy ko sa 2nd baby ko may UTI ako Kaya pinag maintenance ako ng antibiotics ng OB. Not sure if Naka contribute yun sa preterm labor ko. 35w1D nung nanganak ako thru VBAC. I suggest, try nyo po Yung natural way na femme wash gamit ay suka. Kahit 1Tbsp Lang ng white vinegar ihalo sa 1tabo ng tubig at pang hugas sa private part natin. Late ko na kasi ito nalaman pero ito ginagawa ko now at effective sya pang alis ng amoy, irritation at sabi ng ibang mommies nakaka help to lessen UTI. Any vinegar po. Hindi ka mangangamoy suka. Basta banlawan Lang din ng water. I'm doing this daily kapag di nalilimot or every other day kapag naliligo. 😊

Đọc thêm

Hi mii ako don po mg 29 weeks na ako tatlong beses na ako ng pa urinalysis and mtaas pa rin po tapos 2x na ako na treat ng OB ko ng antibiotic pero wala paron po kahit wala na ako symptoms tapos nirefer ako ng OB ko na mgpa culture sensitivity test para malaman kung ano ba yun bacteria na ngcause ng mataas na pus cells.. and kung anong antibiotic ang hiyang.. buti naman sabi ng OB ko di naman dw malala and alarming yung bacteria and nasa normal range lng din sya.. so ok na di na ako pinag antibiotic.. careful nlng sa pghuhugas after poop and ihi tapos inom water lagi..

Đọc thêm

Ako nag Ka UTI Bago nanganak 37weeks Tyan ko Ngayon Makapanganak na ako .Itong Aug 3 lang. Sobrang Taas din ng UTI ko Nag antibiotic Ako Tapos . sinabayan ko Ng Sambong capsule 3x aday at Sambong na Pinakuluan at Buko sa Umaga Yung malauhog Pag Ka 3days Nag Pa Urine test Ako . Wala na Malinis na.. pero Tinuloy Ko Parin Tapusin Yung 1week na antiobic

Đọc thêm

35w5d ako mi may uti din kakatapos lang mag take ng antibiotic good for 7days. tas nagpa urinalysis ulit ako meron padin pero di na ganon kalala. tsinatsaga ko sya more on water intake pero may green discharge ako before and after mag take ng antibiotic now pasulpot sulpot nalang pero marami padin. ikaw ba mi nagkakadischarge kaba?

Đọc thêm
3t trước

Wala nman po discharge sa ngayon. pero minsan po meron, super light yellow lang po. June2025 pa last antibiotic ko, hndi na ko pinag antibiotic ulit ng OB. basta water theraphy nlng tlga.

Hindi advisable ang Antibiotics po. kapag hindi talaga maiiwasan at hindi madaan sa Natural way, I suggest after mag antibiotics mag take po ng probiotics(pwede rin to makuha sa mga fermented foods) para po mapalitan yung mga namatay na good bacteria sa katawan.

Ako din. Po may u.t.i 32 weeks na Po Ako ceforoxime Po nereseta nang obigyne ko 14 PCs 2x ko Po tinitake 😔kung kelan naman malapit na manganak tsaka pa nagka u.t.i .schedule ko na din Po cs/ligate sa September 17 puro water lang din buko juice

May UTI din po ako. Currently 33 weeks 6 days na po. Kaka urinalysis ko lng po kanina. Monurol po nireseta sakin ng OB ko. Medyo pricey lng po siya pero One take lng po. Sa ngayon wla na po ako naradamdaman sakit ng puson after mag wiwi.

Post reply image

na try niyo na po cranberry juice po?

3t trước

I highly recommend Treetop or Tipco mas healthy ito compared to old orchard and other brands na mixed with high corn fructose and other preservatives. I wish you well mommy. sana maging okay ang lahat sainyo ni baby.